Gamit ang Capoeira hangad ng 'Project Bantu' na mabago ang buhay ng mga bulnerableng kabataan, refugee

Bantu 1.jpg

'Project Bantu' uses Capoeira to teach at-risk and other vulnerable youth learn behavioural skills and valuable life skills for their personal and social development. Credit: Supplied by Jaime Benedicto

Gamit ang pagtuturo ng Capoeira, isang uri ng Afro-Brazilian martial arts, hangad ng 'Project Bantu' na mabago ang buhay ng mga bulnerableng kabataan tulad ng mga refugee sa Australia at batang lansangan sa Pilipinas.


'Project Bantu'

Umaasa ang Bantu Philippines at Bantu Worldwide na higit na makatulong sa mga nahihirapang kabataan sa Pilipinas at iba pang bulnerableng grupo ng mga kabataan gaya na lamang ng mga refugee sa Australia.

"We use music and movements to empower at-risk youth and their communities by teaching them life skills and connecting them with opportunities that will help them escape poverty,” lahad ni Jaime Benedicto, Executive Director ng BANTU Philippines.

Lalong pinagtibay ang hangarin na ito ng 'Project Bantu' sa ginanap na ika-13 International Capoeira Angola Youth Encounter sa Sydney noong Setyembre.
IMG_20220903_204155.jpg
Filipino youth leaders, Rodolfo, Kenneth and Mark, from BANTU Philippines share their experiences as street children in Manila to other young participants at the recent 13th Capoeira Angola Youth Encounter hosted by NSW STARTTS and Instituto Cultural Bantu in Sydney in September 2022. Credit: Supplied by Jaime Benedicto
Sa pagtuturo ng sining ng Capoeira, isang uri ng Afro-Brazilian art, at iba pang inisyatiba, layunin ng grupo na labanan ang kahirapan at humanap ng ibang oportunidad para mapabuti ang buhay ng mga batang tinutulungan ng Project Bantu.

Tulong sa mga batang lansangan

Taong 2005 nang simulan ni Jaime Benedicto ang pag-aaral ng Capoeira at gamit ang pagtuturo ng capoeita, sinimulan niya kawanggawa na makatulong sa mga batang lansangan sa Maynila na maiba ang pananaw sa buhay at magkaroon ng pagkakataon na maiangat sila sa kahirapan.

“While I was teaching one of my classes, some kids just happened to show up, narinig nila ang music. Mga bata ito na nanghihingi sa mga kalsada sa Makati."

"We found out more about their community, we learned they’re from the neighbourhood in San Andres Bukid. Eventually we went into their community and nakita namin 'yung scale ng mga problems."

Dahil sa nakitang laki ng kinakaharap na problema ng mga batang lansangan, naisip ni jaime na hindi lamang dapat pagtuturo ng Capoeira sa mga bata ang kanilang gawin.

“It also means helping with jobs and giving them the information that they need, whether that’s financial literacy or reproductive health or how they can get jobs, job skills and connecting them with the right work opportunities.”

Ang mga binatilyo na sina Rodolfo, Kenneth at Mark ay tatlo lamang sa ilang daang kabataan na tinutulungan ng grupo.

"Malaki po ang naitulong Capoeira para sa akin at sa ibang mga bata na galing sa mahihirap na lugar. Nabago niya ang pag-uugali ko. Dati kasi makulit at hindi talaga ako nasunod," pag-amin ni Rodolfo, isa sa mga youth leader ng BANTU Philippines.
Bantu by Veronica Tapia.jpg
Bantu Philippines youth leaders Rodolfo, Kenneth (from left) and Mark (right most) with their executive director Jaime Benedicto (2nd from left) and Instituto Cultural Bantu founder/CEO Mestre Roxinho (middle). Credit: Veronica Tapia (on Facebook)
Naging malawak naman ang pangarap ng binatang si Kenneth simula ng makasali sa capoeira at makita na maaari pang maiba ang buhay kahit na galing sa labis na hirap.

"Kadalasan kasi sa amin doon na lumalaki at tumatanda. Pero nung sumasama ako sa pag-aaral ng capoiera, habang tumatagal lumalaki ang mga pangarap ko at hindi hanggang dito na lang," ani Kenneth.

"Malaki ang pinagbago ng ugali ko mula nang mag-capoeira ako. Dati kasi talagang agresibo ako at nananakit ng kapwa. Pero ngayon iniisip ko muna ang mga bagay bago ko gawin," kwento ni Mark.

Ugnayan sa mga bulnerableng kabataan

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng grupo ni Jaime Benedicto sa iba pang sangay ng Project Bantu partikular sa mga bulnerableng kabataan tulad ng mga refugee sa Sydney.

Sa Capoeira Angola Youth encounter na ginawa sa Sydney noong Setyembre, ibinahagi ng mga batang San Andres Bukid na sina Rodolfo, Kenneth at Mark sa mga kabataang refugee sa Sydney ang tungkol sa kanilang pinagdaanan sa buhay at kung paano nabago ito sa tulong ng pag-aaral ng capoeira at iba pang kasanayan sa buhay.

“Kung hindi po ako nagka-capoeira, iisipin ko lang po yung ngayon. Ngayon iniiisip ko na po kung ano ang kakahitnan ko. Ano ba mararating ko sa future,” pahayag ni Mark.

Pinatotohanan ng tatlong kabataang educator na sa mga tamang oportunidad na naibibigay sa kanila pwedeng mabago talaga ang buhay.
IMG_20220903_210523.jpg
Youth participant at the 13th Capoeira Angola Youth Encounter held in Sydney in September 2022. Credit: Supplied by Jaime Benedicto
At para sa mga kapwa kabataan nila sa Australia, binigyang-diin ni Mark kung gaano kaswerte ang mga batang refugee sa Sydney na kanilang nakasalamuha kaya naman "dapat na pahalagahan ng mga ito ang kung anomang meron sila sa Australia."

Umaasa si Jaime Benedicto na sa patuloy na ugnayan nila sa ibang kasama sa Project Bantu, mas marami pang hirap na kabataang Pilipino ang kanilang matulungan sa buhay, paghahanap ng trabaho at iba pa.

"Nagsimula na rin kami sa nutrition at ang pinakamalaki naming susunod na project ay magtayo ng mga community centre na kagaya sa Australia na maraming mga libreng programs para sa mga community," hangad ni Jaime Benedicto.
FILO PODCAST INSTRUCTIONS
How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand