Sinubukan ng grupo ni Rjay Lizarondo ang magkalkal ng basura sa loob ng limang araw sa bundok ng Tanay, Rizal. Dahil sa karanasang ito, nakilala nila ang isang katutubong bata na si Mary Rose. Mula sa pagtatagpong ito,nagbunga ang ideya na tulungan ang mga katutubo ng Tanay, Rizal. Larawan: Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga katutubong bata sa Tanay, Rizal (Isinuplay ni R Lizarondo)
Sa tulong ng social media at fund raising, naitayo ang isang pribadong paaralan na nagbibigay ng libreng edukasyon sa isang libong katutubong bata sa Tanay, Rizal kabilang na ang mga proyektong pangkabuhayan.
Ayon kay Rjay Lizarondo, nagtatag ng Hop-E, sa pamamagitan ng libreng edukasyon na binibigay ng HOP-E (Helping Overcome Poverty through Education) napabuti ang kalidad ng buhay ng mga katutubo sa Tanay, Rizal.



Share





