Key Points
- Ang awiting 'Coconut Nut' ang isa sa pinaka may maraming cover sa ibat-ibang bahagi ng mundo, kahit pa sa mga di nagsasalita ng wikang Filipino.
- Noong 2018 si Ryan Cayabyab ay kinilala bilang National Artist for Music.
- Darating sa Melbourne sa 1 Setyembre 2024 si Ryan Cayabyab kasama ang Ryan Cayabyab Singers at sa Queensland sa 7 Setyembre 2024.
'Sa lahat ng composition ko, 'yang the Coconut Nut lang ang kilala sa ibang bansa.' bahagi ni Maestro Ryan Cayabyab, 'Sa America, as far as New Zealand may mga kumakanta na mga choirs.'
Noong binubuo ang Smokey Mountain the album noong 1989, nabuo ang kanta na yan noong 1990. Ang grupo ng mga batang mang-aawit ay nakilala sa mga awitin ay nagbibigay pansin sa kapaligiran, kahalagahan mapangalaan ito.
Nabuo ang Coconut Nut dahil napansin ni Ryan Cayabyab na marami ng tumatandang puno ng niyog at lumiliit na ang bilang ng mga tanim nito.
Nais ko bumuo ng novelty na awitin, naisip ko ang coconut dahil isa ito sa mahalagang puno sa atin. Kung ang Middle East ang kanilang tree of life ay olive, sa Pilipinas ang coconut ang ating tree of life. Lahat ng bahagi nito ay may gamit.Ryan Cayabyab