Highlights
- 9% lang ng populasyon ang fully vaccinated
- Prayoridad ngayong bigyan ng insentibo ang mga empleyado para magpabakuna
- Inaasahan ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bakuna sa Oktubre pagdating ng MRNA vaccine
Hinimok ng pamahalaan ang mga corporate leaders sa Australia na suportahan ang COVID19 vaccine rollout sa bansa at hikayatin ang mas maraming mamamayan na magpabakuna.
Sa isang virtual meeting humarap si Treasurer Josh Frydenberg at health officials sa mga negosyante
"We were joined by more than 30 of Australia's leading CEOs and representatives of Australia's leading industry representative groups. CEOs from Coles, from the Commonwealth Bank, from Telstra, Wesfarmers, Virgin, Qantas, and many other companies were present for this virtual discussion."
Ang Wesfarmers, na May-Ari ng Bunnings at Officeworks, ay una nang nag-alok ng tulong.
Anila maaring gawing mass vaccination hubs, ang ilang tindahan tulad ng ginawa sa ibang negosyo.
Frequent Flyer points naman ang alok ng mga airlines para sa mga magpapabakuna.
Sa United States, nagbibigay ng bonus ang mga kumpanya at negosyo tulad ng libreng beer, lotteries at kahit marijuana para lang mapataas ang bilang ng magpapabakuna
Ayon kay Ginoong Frydenberg ito ang tamang panahon para mag tulungan ang mga Australian
"This work builds on the work that we've done to date as a group. I am very grateful to all the CEOs and industry leaders who are with us representing all sectors across the economy. This is very much a Team Australia moment. This is another important time for us to come together in the national interest."
Ayon naman kay COVID-19 vaccine taskforce Lieutenant John Frewen, makakatulong din ito para mabawasan ang pressure sa healthcare system.