Nangako ang pamahalaang pederal na ihaharap nila sa susunod na eleksyon ang mga pagbabago sa unyon, maliban na lamang kung magpapasa ang Senado ng batas, upang muling magtatag ng taga-pamahala, sa makapangyarihang industriya sa paggawa. Larawan: Employment Minister Michaelia Cash. (AAP)
Ito ang isa sa mga hakbang, na gusto ni Punong Ministro Malcolm Turnbull na gawing batas, bilang sagot sa mga alegasyon ng malawakang katiwaliang laman, ng huling ulat ng Royal Commission sa korupsyon ng mga unyon.
Subali't katulad ng ulat ni Will Mumford, sinabi ng oposisyon pederal, na ang ginawa ng komisyon ay isang pakulong pulitika, na tumatarget sa mga kalaban ng gobyerno.
Pakinggan natin sa ating wika ang ulat.
Share




