Highlights
- Prime Minister Scott Morrison nagsabing ang pundo ay tutlong para gumaan ang pamumuhay sa mga Australians.
- Gobyerno bawasan ang buwis sa petrolyo
- Home guaranteee scheeme pinapalawig ng gobyerno, nagbibigay ng pagkakataon sa mga bumibili ng bahay na mgadeposito ng 5 porsyento at hindi 10 porsyento.
Pakinggan ang audio
Pinangunahan ni Prime Minister Scott Morrison ang pagsisimula ng konstraksyon ng runway ng Western Sydney International (Nancy-Bird Walton) Airport.
Dito ibinida ng punong ministro ang kanilang gobyerno ay nakatutok sa pagbibigay ng malaking pundo sa mga imprastraktura.
" Halus lahat nagtabaho dito ay mula western Sydney, kaya sila talaga ang nanguna sa paggawa ng Western Sydney airport. At kami nga ni Melissa McIntosh ay nagsabi kasama nila Sarah Richards, at ng buong team, malaki ang magagawa nito sa buong bansa."
Magbubukas ang Nancy Bird Walton International Airport sa taong 2026. Pero sabi ni Prime Minister Morrison hindi lang ito ang kanilang inaasikaso.
Dahil nangako ang gobyerno ng halus 18 bilyong dolyar na pundo para sa proyekto sa buong bansa. Hindi pa ito kasama ang naunang 110 bilyong dolyar na ipinangakong pundo ng gobyerno.
Bagay na ikinampanya ng husto ni Federal Minister for Urban Infrastructure na si Paul Fletcher
" Pinunduhan ng $17.9 bilyon ng Morrison government ang imprastraktura para sa mas ikabubuti ng lahat pati sa ekonomiya ng bansa."
Subalit bwelta ng mga taga-oposisyon, kaduda-duda ang mga binitawang pangako ng Morrison government.
Ani Opposition Treasury spokesman Jim Chalmers sobra sobra ang pundong ito, sana nga itinulong na lang sa mga naging biktima ng bushfire dalawang taon na ang nakakaraan.
" Kung hindi lang sana sila nandaya ng bilyong dolyar sa pundo, marami sanang pamilya ang gumaan ang buhay. Itong Prime Minister na ito ay nakahawak lang ng pera at namigay ngayong malapit na ang eleksyon."
Ngunit hindi lang para sa imprastraktura nakatuon ang pundo ng Morrison government dahil inihayag nito ang pagpapalawig ng home guarantee scheme . Kung saan pinapayagan ng gobyerno ang mga eligible na home buyers na bumili ng ari-arian bitbit lang ang 5 per cent na deposito imbes na 10 per cent sa kabuuang halaga nito.
" Nakita natin ang mga pangarap ng ating mga kababayan ay nagkatotoo. Sabihin ko sa inyo nasa 300,000 na Australians ang magpapatotoo nyan. At patuloy nating gawin yan."
Ayon kay Associate Professor Ben Phillips ng Centre for Social Research and Methods mula Australian National University sa Canberra.
Ang pinahabang home guarantee scheme ay seguradong makakahatak ng boto ngayong eleksyon pabor sa kasalukuyang pamunuan.
" Maraming tao ang maging interesado nito lalo makakakuha sila ng sarili nilang bahay. Kaya malaking puntos ito sa eleksyon."
Pero sa totoo lang ang pinakamalaking isyu na hinaharap ng lahat ng Australians nitong mga nakaraan ilang linggo ay ang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, kung saan naging dahilan ng pag-akyat ng maraming presyo ng bilihin sa pamilihan.
Inaasahan namang pansamantayang bawasan ng gobyerno ang buwis ng petrolyo na kasalukuyang nasa 44.2 sentimo kada litro.
Ito ang ibinida ni Prime Minister Morrison para kahit papaano gumaan ang pasanin ng bawat pamilya sa Australia.
Subalit ayon naman sa taong gustong pumalit sa pwesto nito na si Opposition Leader Anthony Albanese, ang mga negatibong nangyayari ngayon sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ay sintomas lang ng mas matinding pangmatagalang problem kung magpatuloy ito sa pwesto .
" Ang ginagastos para mabuhay ay mula sa income o kita at ang problema nito ay ang mga bilihin ay nagmahal na at ang sahod o income ng mga tao bumaba."
Sa Mayo ika-21 itinakda ang pederal na eleksyon.