Highlights
- Isa sa dalawang Australyano ang umamin na ang isolation nitong pandemya ay may negatibong epekto sa kanilang relasyon.
- Isang pag-aaral mula sa Michigan State University ang nagsabing ang mga taong may masayang ka-pares ay may mabuting kalusugan
- Sa pamamagitan ng 'reward sysytem' mas masaya ang relasyon ng mag-asawang si Dario at Christine.
Ayon sa isang pag-aaral mula sa Michigan State University, ang mga tao na ang mga asawa ay masaya ay nasa mas mabuting kalagayan.
Iminumungkahi din ng datos na ang mga taong may masayang kaparehas ay 34% na mas malamang nasa mabuting kalusugan kaysa sa mga kasal sa isang negatibong tao.
Sa panayam ng SBS Filipino's Love Down Under, sinabi ng mag-asawang Dario at Christine na totoo ang lahat ng ito para sa kanila.