Ang isang nakakabagabag na video ng isang bagong silang na sanggol na naghihirap huminga, habang ang whooping cough o labis na pag-ubo, ay yumayanig sa kanyang katawan, ay ipinalabas ng kanyang mga magulang sa pag-asang ito ay makakatulong na sagipin, ang ibang buhay. Larawan: Namatay si Riley Hughes dahil sa whooping cough sa Prince Margaret Hospital, Perth (SBS)
Si Riley Hughes ay may edad na tatlumpo't dalawang araw pa lamang, nang magkaroon siya ng ganitong sakit.
Nangangampanya ang kanyang mga magulang, upang itaguyod ang kahalagahan ng pagbabakuna at gumagamit ng naturang video, sa pag-asang ito ay magbibigay diin sa kanilang mensahe.
Si Ryan Emery ay may dalang detalye ng ulat. Sa ating wika, nagpapayo po kami na ang istoryang ito, ay maaring may mga nakaka-bagabag na nilalaman.
Share




