NAIDOC WEEK: Mga Indigenous sacred sites na pwedeng bisitahin malapit sa'yo

A bushwalker looking at a rock at the Aboriginal Heritage walk, Ku-ring-gai National Park, NSW

A bushwalker looking at a rock at the Aboriginal Heritage walk, Ku-ring-gai National Park, NSW Source: NSW Dept of Planning, Industry and Environment

Popular sa buong Australia ang paggunita ng NAIDOC Week, dito naisasalamin at pinagdiriwang ang kultura at mga tagumpay ng mga Aboriginal and Torres Strait Islander Peoples. Sa Settlement Guide na ito ay makakatulong para makita at maranasan kasabay ang respeto sa mga sagradong lupain ng mga Aboriginal, na matatagpuan lang sa sentro ng ilang lungsod dito sa Australia.


Isang buong linggong ginugunita dito sa Australia ngayong buwan ng Hulyo ang National Aboriginal and Islanders  Day Observance Committee o NAIDOC. Noong una ito ang panahon ng pag-alala ng mga nangyaring karahasan sa buhay ng mga First Nations o katutubo ng bansa.

Pero di  kalaunan, dinadaan na sa maraming pagdiriwang  ang pag-alala nito lalo na ngayong panahon.

Bagay na ayon kay Stacie Piper na isang Wurundjeri at  Dja Dja Wurrung woman  at kasalukuyang Chairperson ng Victorian NAIDOC Committee, dapat hindi makakalimutan.

“Kailangan nating maintindihan na wag kalimutan ang dahilan kung bakit ginunita ang NAIDOC Week, lalo na ang mapait na karanasan ng mga First Nations, na sanay wag nang maulit pa," kwento ni Stacie Piper.


 Highlights

  • Ngayong taon, ang tema ng NAIDOC Week ay  Heal Country, lahat ng Australian ang susi para maghilom ang sugat ng nakaraan.
  • Sa Canberra makikita ang libo-libong tinatawag na significant sites ng First Nations, na pwedeng bisitahin ng publiko.
  • Ang NAIDOC Week ay hindi lamang para sa mga Aboriginal and Torres Strait Islander People, kundi pati sa lahat ng kumilala na ang Australia ang kanilang tahanan.

Heal Country: Respect

Ang paggunita nito ay natataon mula  4-11 ng Hulyo, at ngayong taon, ang tema nito ay Heal Country, bilang panawagan para tulungang maproteksyonan ang kalikasan at ang mga tinatawag na sacred sites bilang cultural heritage  ng mga Traditional Owners.
boulder on top of Cypress Pine Lookout at Namadgi National Park
A boulder on top of Cypress Pine Lookout at Namadgi National Park. Source: Getty Images/Jonathan Steinbeck
“Hindi lang ito para sa mga Aboriginal and Torres Strait Islander people, pati sa lahat ng kumilala na ang Australia ang kanilang tahanan," dagdag pa ni Piper.

Hinihikayat din ang lahat na maging kaisa sa  pagbibigay respeto sa lahat ng bagay sa mundo. Gaya ng lahat ng may buhay, ispiritwal, kwento pananampalataya at pinaniniwalaan ay magkarugtong.

Dahil sa pamamagitan nito, naipapakita ng bawat isa ang  pagmamalasakit  bilang isang bansa, kasama din dito ang paggalang sa mga tinatawag na sagradog mga lugar ng katutubo.

Heal Country: Explore

"Dapat maintindihan ng lahat na hindi lahat ng sacred sites ay pwedeng puntahan , dapat ito malaman ng mga Australians," kwento ni Wally Bell.

Si Wally Bell  na isang  Ngunnawal man, ay patuloy na nakikiisa para mapanatili at maproteksyonan  ang pamanang  kultura  sa Canberra. Bilang,  Traditional Custodian, patuloy nyang ginagawa ang mga tradisyonal na practises na ito sa mga sacred sites.

“Pwede silang mamasyal at maglakad para makita ang rock art sites, kagaya ng,  Namadgi National Park, at marami pang lugar na pwedeng mabisita," ani ni Bell.

Ang Kuringgai Chase National Park ay  matatagpuan  25km sa  hilagang bahagi ng Sydney CBD, dito matatagpuan ang 350 identified Aboriginal sites , kung saan pinaka-marami sa buong Australia. Kabilang dito ang Aboriginal Heritage walk kung saan  makikita ang rock art at inukit na gawa ng Traditional Owners.
A man rests on his bike (C-below), as he
Kings Park in Perth is an important cultural area where you will find the Boodja Gnarning Walk. Source: GREG WOOD/AFP via Getty Images
Sa pusod ng Perth naman makikita ang Kings Park, kung saan makikita ang Boodja Gnarning Walk. Dito masisilayan ang magkaibang tungkulin at kaalaman ng mga babae at lalaking katutubo. Sa Melbourne, isang mobile application ang ginawa na tinatawag na  Yalinguth App para  maranasan ang augmented reality, sa sinaunang karanasan ng Fitzroy.

“Pwede na silang gumamit ng App, para makita ang makukulay na estorya ng mga First Naitons at marami pang iba," kwento ni Bobby Nicholls.

Ayon kay Yorta Yorta man Bobby Nicholls, seguradong mamangha ka sa ginamit na  musika at tunay na boses kapag gumamit ng nasabing App.
Charcoal Lane mural in Melbourne’s Gertrude Street, Fitzroy
Charcoal Lane mural in Melbourne’s Gertrude Street, Fitzroy by Gunnai Waradgerie artist Robert Young Source: Source: NITV
“ Ang Gertrude Street  o yong  light tower yon  ang tagpuan ang mga katutubo  noong taong  1950s, 60s at 1970s, " dagdag ni Nicholls.

Ang Yalinguth App ay inilabas lang nitong buwan ng Hulyo. Bilang paalala sa lahat na ang pagmamahal at pagmamalasakit sa lupain  na ating kinatatayuan  ngayon kasama ang Aboriginal  cultural heritage ay responsibilidad ng lahat  ng mga Australians.

Heal Country: Learn

" Pwede din mag-self educate, makakatulong ang mga online resources  para makatulong sa pag-unawa at dahil dito magkaisa ang lahat ng mga Australians," paunawa ni Piper.

Ang lahat ng mga kwento sa kultura, tradisyon at  mga tampok na sacred sites ay makikita online sa pamamagitan ng CSIRO website. Dito makikita at malaman ang mga paglalakbay ng mga katutubo o Traditional Owners mula sa iba’t ibang rehiyon at kung paano inilarawan ng mga ito ang paligid. Ang Commonwealth  Scientific  and Industrial Research Organisation o CSIRO ay  nakiisa sa  grupo ng Indigenous language mula sa  Northern Territory at Western Australia para makagawa ng serye  ng mga pangyayari  para maipahayag ang lalim ng kaalaman ng Indigenous People kung pag-uusapan ang kapaligiran at  mga kaganapan sa paligid.

Pero ayon kay Bobby Nicholls,  responsibilidad ng lahat hindi lang ng mga Aboriginal  na matutunan patungkol sa First Nations dahil isang bansa tayong namumuhay dito sa Australia.

“Lahat ng tao dito sa Australia ang dapat makisabay sa selebrasyon,  lahat ay dapat matuto tungkol sa buhay ng First Naitons, pati galing ibang ethnic groups," sabi pa ni Nicholls.   

Ang NAIDOC Week ay pagkakataon  ng bawat Australians para malaman,  matutunan at makibahagi sa  buhay ng First Nations. At sa pamamagitan nito, matuto ang lahat na maintindihan, makibagay at makiisa sa kultura at tradisyon ng mga tinaguriang katutubo ng Australia, ang First Nations People.

Heal Country: Ito ay nangangahulugan na tayong lahat na naninirahan dito sa Australia ay dapat may malasakit sa isa't-isa, magdadamayan, respeto  at magtutulungan bilang isang bansa. Dapat malaman ng lahat na tayong lahat ang talagang  susi para maghilom ang sugat ng nakaraan." 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand