Matinding hirap ang kinaharap ng mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang bushfire ng 2019-2020 sa Australya. May ilang buhay ang nasawi kasama na ang buhay ng ilang mga boluntaryong bombero at maraming mga ari-arian ang tinupok ng mga sunog.
Bilang pagpupugay sa mga bombero na tumulong sa pag-apula sa mga naging sunog, isang musikal na produksyon - ang "Heroes of the World" ang binuo ng mga Pilipino-Australyanong mang-aawit sa unang bahagi ng taon.
Mga highlight
- Patuloy na nahihirapan ang mga komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang sunog sa Australya, hanggang sa mga panahong ito, marami ang hindi pa nakakabawi sa mga nawalang kabuhayan.
- Maraming mga komunidad sa buong Australya ang nagbigay ng kanilang suporta upang matulungan ang mga komunidad na ito.
- Tulad ng maraming Australyano, isang grupo ng mga Pilipinong mang-aawit at musikero ang nag-ambag-ambag ng kanilang talento at oras sa pamamagitan ng album na "Heroes of the World" upang kahit paano ay makatulong at magbigay-pugay sa mga bombero na tumulong sa pag-apula ng mga sunog.

The artists who lent their voices to complete the "Heroes of the World" album. Source: The PerdOz Band's Facebook
Sinimulang buuin noong Enero at inilabas ang album noong Abril, ang makabagbag-damdamang koleksyon ay orihinal na musika at liriko ng composer/producer na si Oliver Gadista.