Highlights
- Ayon sa ulat ng Baker Heart & Diabetes Institute marami sa mga kababaihan ang may mataas na kolesterol kumpara sa mga kalalakihan.
- Ang mataas na kolesterol ay maaring maging dahilan ng mga sakit sa puso o heart attack.
- Walang sintomas ang mataas na kolesterol at matutukoy lamang ito sa pamamagitan ng blood test.
Sa panayam ni Dr. Lorie de Leon , isang eksperto sa women's health, sinabi niya na nangungunang dahilan ng kamatayan sa mga kababaihan ang mataas na kolesterol.
“High cholesterol in women is the number one cause of death. High levels of cholesterol can include the risk of developing heart disease, heart attack, high blood pressure, or stroke."
Sa isang pag-aaral din mula sa Hopkins medicine.org sinabi na tinatayang 45 porsyento ng mga kababaihang may edad 20 pataas ang may bahagyang mataas na lebel ng kolesterol.