Key Points
- 2 sa 5 Australyano ang nagsabi na prayoridad nila ngayong kapaskuhan ang mabawasan ang kanilang epekto sa kapaligiran.
- 34 % ng mga Aussie ang handang suportahan ang mga negosyong itinuturing na 'environmentally conscious'.
- Itinataguyod ng fashion designer na si Nicole Oliveria ang pagbili ng 'sustainable clothing'.
Mas marami na ngayon ang 'conscious' sa kanilang pamimili para matiyak na hindi makadagdag sa pagkasira ng ating mundo.
Inihayag ng isang bagong pananaliksik na dalawa sa limang Australian ang nagsasabi na prayoridad nila ngayong kapaskuhan ang mabawasan ang kanilang epekto sa kapaligiran.
Kasama ang fashion designer mula Sydney sa mga 'environmental conscious' pagdating sa kanyang pamimili lalo na pagdating sa damit.
Mula nang magsimula sa kanyang karera mas pinipli niya ang tinatawag na 'sustainable clothing' kung saan gumagamit siya ng mga second-hand materials para sa kanyang mga disensyo.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino