Higit sa 23 milyong Australyano ang kumakain ng hindi tamang diyeta

Fish and chips being fried

Only 7 per cent of Australians are eating a healthy diet consistent with Australian dietary guidelines. Source: AAP Source: AP / Frank Augstein/AP

Ayon sa Obesity Policy Coalition ang hindi tamang diyeta at labis na katabaan nangunguna sa mga nag-aambag sa problema sa kalusugan sa Australia. Lumabas sa pagsusuri na ang mga pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang pagtaas obesity population ay malayo sa itinakdang best practice ng buong mundo.


Key Points
  • Ayon sa Australian Bureau of Statistics halos 2 sa 3[63%] Australian adults, at 1 sa 4 [25%] Australian children ay mabigat ang timbang o obese.
  • Pitong posyento lang ng mga Australians ang kumakain ng wastong pagkain o may healthy diet batay sa Australian dietary guidelines.
  • Inirerekomenda na gawing prioyoridad ng pamahalaang pederal ang paglilimita sa pagbebenta ng hindi masustansyang pagkain at inumin o junk foods sa mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang.
Dahil sa pagmamahal ng mga magulang na silaMary at Brendon Ha mula Sydney sa kanilang nag-iisang anak na si Harley Jane tatlong talong gulang todo bantay ito para mabigyan ng sapat na proteksyon habang lumalaki.

Nakatutok din sila sa pagbibigay ng wastong pagkain sa bata,lalo't binibigyan nila ng halaga ang maluso na pangangatawan ng anak. Kaya bawat araw, sinisiguro ng mag-asawa na masustansya ang kinakain ng anak.

Busy sa trabaho ang mag-asawang sila Mary isang disability support worker habang may sariling negosyo si Brendon. Subalit, naglalaan sila ng oras para masigurong kompleto ang kinakain ng anak, may prutas, gulay at karne araw-araw.
mary 1.jpg
Ang mag-asawang Mary at Brendon Ha mula Sydney ay naniniwalang pinakamabisa na simulang pakainin at turuan ng wastong diyeta at healthy lifestyle ang anak habang ito ay bata. Source: Mary Ha
"Karaniwang almusal ni Harley ay oatmeal na may prutas, saging blueberries at strawberry. Sa pananghalian naman kung nasa bahay ito ay gulat at karne, habang sa hapunan gulay at prutas. Sa snack naman prutas at minsan popcorn, " paliwanag ni Mary.

Ilang araw din sa buong linggo nasa childcare ang kanilang anak, pero patuloy ang kanilang monitoring sa binibigay na pagkain pati na ang ginagawang mga activity ng bata.

Kapag weekends naman ang buong pamilya ay karaniwang nasa sakahan sa likod-bahay para makipaglaro ng aso, maglakad at magtatanin ng gulay.

Niniwala si Mary at Brendon dapat maturuan ang anak sa pagkain ng tamang pagkain at lifestyle habang bata pa.

"Kahit busy sa trabaho, naglalaan kami ng oras para maghanda ng pagkain ni Harley."

Lumabas sa pagsusuri na ang mga pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang pagtaas obesity population ay malayo sa itinakdang best practice ng buong mundo.

Sa obserbasyon ng pamahaalang komonwelt, ang Food Policy Index na binuo para suriin ang papapatupad ng pandaigdigang patakaran para mapabuti ang pagkain o diyeta ng buong populasyon ng Australya ay nakikitang limitado ang pag-unlad sa nakalipas na limang taon kumpara sa ibang bansa.

Nakasaad sa ulat ng 2022 Food Policy Index ang isang komprehensibong tugon na kinakailangang gawin para mapabuti ang diyeta ng buong populasyon, nangangailangan din ito ng pinuno na may lakas ng loob.

Inirerekomenda din ng ulat ang pagpapataw ng buwis sa mga gumagawa ng sugar-sweetened na mga inumin at mga junk foods.

Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor. 



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Higit sa 23 milyong Australyano ang kumakain ng hindi tamang diyeta | SBS Filipino