Key Points
- Ang BTS at Blackpink ang ilang Korean group na nag-impluwensya kela Kaitlyn Tanti at Judd Sulivan sa pagsasayaw ng K-Pop.
- Sa pamamagitan ng 'K-Pop In Public' naipapakita ng ilang kabataan ang talento nila sa pagsasayaw sa publiko.
- Sa kanilang murang edad, malaking bagay sa kanilang pagsasayaw ang suportang natatanggap nila mula sa kanilang mga magulang na sina Geraldine Castelo-Tanti at Roschelle Sullivan.
Ang 'K-Pop in Public' ay popular sa mga piling lugar sa Australia kung saan sumasayaw ang ilang kabataan sa tugtugin ng mga sikat na Korean music groups tulad ng BTS, Blackpink, TWICE, EXO, at iba pa.
K-Pop is a good outlet for me.Kaitlyn Tanti

Ang kanyang inang si Geradline Castelo-Tanti ang isa sa mga nag-impluwensya sa kanya na subukan ang pagsasayaw ng K-Pop — isang desisyon na hindi pinagsisihan ni Kaitlyn.
Don't worry too much about people's perception of you.Judd Sullivan

Katulad kay Kaitlyn, naging maganda rin ang epekto ng pagsasayaw ng K-Pop kay Judd Sullivan.
Aminado siyang madalas niyang iniisip ang opinyon ng mga tao habang siya ay nagsasayaw pero dahil sa suporta at mga payo ng kanyang inang si Roschelle Sullivan, nagiging madali sa kanya ang pagpe-perform.
READ MORE

K-Pop at ang impluwensiya nito