Key Points
- Sa lahat ng desisyon ukol sa parenting arrangement o kustodiya ng anak, ang kapakanan ng bata ang pangunahing konsiderasyon ng korte.
- Paliwanag ni Atty Cajes, hindi awtomatikong napupunta sa nanay ang kustodiya o living arrangement ng anak dahil ang desisyon ay batay sa kaligtasan, mga pangangailangan ng bata, relasyon ng bata sa magulang at ang kakayahan ng magulang na magbigay ng suporta para sa kapakanan ng bata.
- May ilang paraan kung paano ibinibigay ang sustento o child support para sa anak pagkatapos ng paghihiwalay ng mga magulang. Kung hindi magkasundo ang mga magulang, maaaring humingi ng tulong sa Services Australia upang magtakda ng halaga ng sustento.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang legal practitioner sa Australia.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.