Maaari ka bang mag-file ng divorce sa Australia kung ikinasal ka sa Pilipinas?

Divorce VS Annulment

Family Law Expert Atty. Jesil Cajes sheds light on the key legal aspects that Filipinos should be aware of when it comes to marriage and family law in Australia.

Sa episode na ito, ibinahagi ng Family Lawyer na si Atty. Jesil Cajes ang kanyang mga kaalaman ukol sa mga batas ng hiwalayan at pagpapakasal, at tinalakay ang mahahalagang aspeto ng mga proseso ng divorce at annulment sa Australia at Pilipinas.


Key Points
  • Ayon kay Family Law Expert Atty. Jesil Cajes, isang mahalagang requirement upang makapag-file ng divorce sa Australia ang 12-buwang paghihiwalay. Sa ilalim ng sistema ng "no-fault" divorce, hindi na kailangang patunayan ng alinmang partido na may kasalanan ang isa sa pagkasira ng kanilang relasyon.
  • Kahit na ang isang Pilipino ay nag-file divorce sa Australia, ang naunang kasal sa Pilipinas ay mananatiling valid maliban na lang kung magkakaroon ng annulment.
  • Maaring muling magpakasal ang isang Pilipino habang nasa Australia kung mayroon silang Divorce Order pero hindi maaring gawin ang kasal sa Pilipinas. Kailangan kumuha ng recognition of foreign divorce mula sa korte ng Pilipinas bago maikasal doon.

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang legal practitioner sa Australia.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand