‘Ho Ho Ho Hotline’: Libre, direktang linya para makausap ng mga batang Aussie si Santa

Santa Ho Ho Ho Hotline

Aussie kids can use the Ho Ho Ho Hotline for a free and direct line to speak to Santa. Source: Getty Images/inhauscreative

Sa pamamagitan ng Ho Ho Ho Hotline na inilunsad nitong Disyembre, maaaring makatawag ng libre at makausap ng mga bata ng direkta si Santa Claus para sabihin sa kanya ang kanilang nais na matanggap na regalo nitong Pasko.


Gamit ang mga payphone na makikita sa iba't ibang bahagi ng Australia, direktang makakatawag kay Santa ang sinumang bata sa gabay ng kanilang mga magulang.

Ibinahagi ni Michael Ackland, Group Executive para Consumer & Small Business ng Telstra ang numerong dapat tawagan para makausap si Santa.

 

 


 

Highlight

  • Bukod sa dating nakasanayan ng mga bata na pagpapadala ng sulat kay Santa, maaari na ring matawagan si Santa Claus.
  • Para sa mga bata sa Australia, maaaring tumawag sa Ho Ho Ho Hotline para direktang makausap si Santa.
  • Maaaring tumawag kay Santa gamit ang Telstra payphone hanggang bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Pakinggan ang podcast

Santa’s Ho Ho Ho Hotline
Michael Ackland, Group Executive, Consumer & Small Business at Telstra. Source: Supplied by Mediacast/Jess Murray
Hangad na maituro sa mga bata ang kahalagahan ng komunikasyon, inilunsad ng Telstra ang Ho Ho Ho Hotline nitong Disyembre.

Kapag nakatawag kay Santa, maaaring ibigay o sabihin ng mga bata ang kanilang Christmas wish list sa pamamagitan ng pagtawag sa #46 46 46 sa anumang Telstra payphone.

Bukod sa layunin na mapasaya ang mga bata nitong Pasko, hangad din ng kumpanya ng komunikasyon na patuloy na matulungan ang mga Australyano na manatiling konektakdo sa isa't isa at may matutuluyan nitong Pasko.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand