Sindak sa Flinders

A damaged vehicle is seen at the scene of an incident on Flinders Street, in Melbourne, Thursday, December 21, 2017. Source: AAP Image/Joe Castro
Sinabi ng Pulisya ng Melbourne na ang lalaking na-akusahan ng sinadyang pagsagasa ng sasakyan sa mga taong naglalakad sa labas ng pangunahing estasyon ng tren ay mayroong historya ng mga pag-atake, paggamit ng droga at problema sa kaispan. Sabi din nila walang koneksyon sa terorismo ang pagbangga. Labing siyam na tao ang napinsala nang sinagasaan ng isang puting SUV ang mga taong naglalakad alas singko ng hapon kahapon malapit sa estasyon ng tren ng Flinders. Apat naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Share



