Ayaw palabasin ngayon ng Lady Cilento Childrens Hospital ang isang taong gulang na batang babae na asylum seeker dahil sa pangambang ibabalik ito ng pamahalaan sa mapanganib na sitwasyon sa Nauru; Pinangunahan ni Maos Last Dancer Li Cunxin ang pag-aanyaya sa mga taga- Brisbane na salubungin ang Chinese year of the monkey nang may galak sa puso; Nagpasiya ngayong magsaya sa halip na magluksa ang pamilya at kaibigan ng pinaslang na si Luliana Triscaru at ang bayaw nitong si Cory Breton matapos matagpuan ng mga pulis ang kanilang mga katawan sa loob ng metal na kahon sa isang Dam sa Logan; Taong nakulong mula sa paghahampas ng possum nag-apila.



