May dalawang taon na nagtratrabaho sa Sydney si Juliet Buenaobra bago niya nahanapa ng lakas ng loob na kwestiyunin at sa kalaunan ay magreklamo laban sa kanyang amo sa di wastong bayad sa kanyang sahod at sa di pagbayad ng mga benipisyo. Nagbalik na si Juliet sa Pilipinas kapiling ang kanyang mag-anak at patuloy na pinagsisikapang malampasan ang trauma at makaahon mula sa naransang paghihirap. Ibinahagi niya ang kanyang kwento.
Share





