Paanong ang isang gawang Pinoy na ‘app’ ay makakatulong sa mga migranteng Pilipino na magkaroon ng dagdag na kita

On his mobile

Man on his mobile Source: Pexels

Higit isang taon na nang nalikha ni Adrian Lee ang isang app na makakatulong sa komunidad Pilipino sa Australya.


Ang ‘SimplyStall’ ay isang libreng  pangmerkadong ‘mobile app’ na maaaring gamitin ng malawak na demograpikong kinabibilangan ng mga estudyante, magulang  at iyong mga may partikular na kinagigiliwang gawin, para magbenta at ipakilala’t itaguyod pa ang kanilang mga produkto.
Simply Stall
Simply Stall Mobile App Source: Dan Villanueva
Ang gamit nito ay umaabot sa pagtaguyod ng mga pangnegosyong serbisyo ng ating mga kababayang may pinagmamay-ariang negosyo dito sa bansa.

Ang pulidong  ‘app’ na ito na sa Australya lamang magagamit at maipagmamalaking gawang Pinoy ay makapaghahatid ng dagdag na pagkakakitaan sa mga bago at dati ng migranteng Pilipino sa bansa.

Ayon kay Adrian Lee, kanyang ginawa ang ‘app’ na ito para maging isahang ‘portal’ ng ating komunidad sa Australya, na pinagbubuklod tayo upang mapanatili natin ang diwa ng pagtutulungan.
Simply Stall
Simply Stall Mobile App Source: Dan Villanueva

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand