Paano ka makakaipon ng pera kung wala kang permanenteng trabaho?

Gig Economy

Are side hustles your main source of income? Source: AAP

Paano ka nga ba makakaipon ng pera kung wala kang permanenteng trabaho? Posible bang magkaroon ng malaking ipon kung walang kasiguraduhan ang kita mo? Yan ang #MayPeraan question na sasagutin ng finance journalist na si Michelle Baltazar.


Highlights
  • Magkaroon ng intensyon na mag-ipon.
  • Palawakin ang iyong network.
  • Bayaran mo muna ang iyong sarili.
 Mas mahirap mag-ipon kung walang kasiguraduhan ang iyong trabaho; ngunit ayon kay Michelle Baltazar, may maaari kang gawin upang makasiguro na mas marami kang pera sa bangko.

1. Magkaroon ng intensyon na mag-ipon.

Upang maka-ipon ng mas malaki, kailangan mong magtipid. Bawasan ang paggastos.

Pag-isipan din kong kailangan mong kumuha ng insurance bilang isang self-employed worker. Malaki ang iyong kailangang ilabas na pera para dito, ngunit bibigyan ka nito ng kasiguraduhan kung may mangyari sa iyo at di ka makapagtrabaho.

2. Palawakin ang iyong network.

Dahil maraming di kasiguraduhan sa raket, mainam na makipag-ugnayan sa iyong komunidad.

"Filipinos - especially those who have been living in Australia for a while - are more than willing to help those looking for work."

3. Bayaran mo muna ang iyong sarili.

Sa Australya lamang mayroong superannuation; at habang automatic ang pagkaltas nito sa suweldo ng permanenteng manggagawa, responsable ang mga self-employed para sa kanilang sarili pagdating dito.

Saad ni Michelle na dapat bayaran muna ng mga self-employed ang kanilang sarili bago nila tuunan ang mga bayarin.

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

 

Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.

 

Kung may nais kayong itanong kaugnay sa  pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.

 

 

 

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand