Highlights
- Ang tema ng National Reconcialiation Week 2021 ay 'More than a word. Reconcialiation takes action.'
- Nananawagan ang grupong Reconciliation Australia at FECCA na makiisa sa paggunita ng Reconciliation Week
- Ngayong taon ay pinagdiriwang din ang ika-20 taon ng Reconciliation Australia
Ang tanong, ano ba ang magagawang hakbang ng mga migrante upang mamuhay ng matiwasay ang lahat kasama ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander o katutubo patungo sa mas maunlad na bansang Australia?
More than a Word. Reconciliation Takes action, ito ang mga katagang tema para sa National Reconciliation Week ngayon taon. Bagay na may malalim ang pinanggagalingan ng kahulugan ng mga salitang ito. Ginugunita ito mula Mayo 27 hanggang Hunyo 3 mula pa noong 1967.
Pero may dala itong panawagan sa lahat ng Australians na hindi lang hanggang sa salita kung hindi kailangan ipakita sa gawa ang ating pagkikipagsundo sa mga Indigenous People o mga ninuno nitong bansa.
Ayon kay Karen Mundine ang CEO ng Reconciliation Australia, kailangan lang umanong isa-puso ng bawat isa ang tunay na dalang mensahe ng pakikipagkasundo, respeto at pakiki-isa sa mga ninuno ng Australia, na ngayo'y ating tinawag na pangalawang tahanan.
"Kailangan nating isa-alang alang na ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander ang mga nauna sa ating lahat, kailangan natin sila bigyan ng respeto at pagkilala, " sabi ni Mundine.
Dagdag ni Mundine, marami ang dalang mensahe ng reconciliation pwede maging pakikipag-isa, pagrespeto, kapayapaan at pagmamahal sa kapwa. Pero di lang dapat hanggang sa sulat o kaya sa pagsasalita lang dapat may maipakita at maranasan ng mga Indigenous People.
"Kailangan involved ang komunidad," kwento pa nito.
Ayon sa CEO ng Federation of Ethnic Communities Councils of Australia na si Mohammad Al-Khafaji, dapat lahat ng mga migrante sa bansa makisali at maki-alam para patuloy ang magandang samahan ng lahat.
"Dapat nating tandaan na kailangan nating magka-isa bilang First Nations People’s voice. Dapat nating malaman ang kanilang kwento. Lahat tayo nakaranas ng pang-aalipusta at racism, kaya magka-isa tayo para sa pantay-pantay na pagtingin," dagdag pa ni Al-Khafaji.

The theme of National Reconciliation Week 2021 is More than a word. Reconciliation takes action. Source: WILLIAM WEST/AFP via Getty Images
Sabi na man ni Mundine maraming dahilan kung bakit halos walang pakialam o walang kamalay-malay ang mga migrante sa tunay na kwento pero ngayon umano ang panahon para mamulat sa katotohanan, at irespeto ang mga ninuno ng bansa.
Sabi naman ni Al-Khafaji, isa din sa dahilan kung bakit halos walang pakialam ang mga migrante dahil hindi ito tinuturo sa kanila pagdating dito sa bansa.
Mas mahihirapan din ang mga migrante na kulang sa kaalaman sa wikang Ingles, kaya kailangan na gumawa ng hakbang para matutunan ng Federation of Ethnic Communities Councils of Australia o FECCA ng isang dokumentaryo para maging gabay sa mga migrante dito sa bansa na pinamagatang "Encouraging Engagement" bilang bahagi ng National Reconciliation Week.
"Ang dokumentaryong ito ay unang hakbang lang para matutunan ang kultura at kwento ng mga Aboriginal, kailangan lang na maki-alam ang lahat tungo sa mas maayos na samahan ng mga bago at naunang mga tao dito sa bansa," paliwanag ni Al-Khafaji.
Pinapakita sa ginawang dokumentaryo ng Fecca ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander kung saan pinapakita ang kanilang buhay ngayon at ang nakaraan pangyayari na kailangang mahilum.
Gumawa din sila ng pelikula kung saan mismong mga lokal mula sa iba’t-ibang komunidad ang bida.
Sa pelikuha pinapakita na ang marami man ang pagkakaiba sa kultura at paniniwala kailangan lang, irespeto at bigyan ng puwang na unawain ang mga kaibahan.
"Gusto namin makilala ang lahat ng grupo at unawain ang pagkakaiba. Natuklasan din ang mga kahinaan at lakas ng isang tao, mga karanasan at kung paano sila nagkasundo kahit may maraming pagkakaiba," sabi ni Robyn Martinez.
Di naman nabigo ang mga tag FECCA dahil maganda ng resulta ng dokyung kanilang ginawa, dahil naipakita dito ang pagkakaibigan, pagtutulungan at pagbibigayan.
Ang "Encouraging Engagement Guide" ay isang kasangkapan para matulungan ang mga migrante at refugee, upang matutunan ang pinapahalagahang yaman ng Australia, kung saan pinapakita ang respeto, pakikipag-kapwa at pakikipagkasundo, magkaiba man ang pananaw at kultura.
Ito din ang paraan para maipahayag ang boses ng bawat isa, kung saan umaasa ang mga Indigenous People na marinig din ng gobyerno.

A guide for multicultural organisations to engage in reconciliation Source: FECCA website
Hinihikayat din ng Reconciliation Australia ang lahat na Australians na maging matapang at gumawa ng hakbang para sa maayos na relasyon kasama ang mga indigenous people, para maging isang magandang halimbawa sa lahat sa tunay na pakikipag-kapwa, respeto at pagtutulungan bilang isang malaking komunidad tungo sa mas maunlad na bansa.
"Kung pumunta ka sa National Reconciliation Week na mga event, unang beses ito na ginawa mo ito'y isang magandang simula. At kung palagi mo na itong ginagawa, i-share mo ang iyong mga naintindihan sa pakikipagsundo sa iyong mga kaibigan at kaanak para maintidihan nila ang tungkol sa mga katutubo ng bansa,"
Para sa karagdagang impormasyon sa National Australia Week bisitahin ang website: www.reconciliation.org.au.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN