Highlights
- Ipinakita ni Jelina Haines ang kulturang Pinoy sa pamamagitan ng lutong Pinoy na pagkain gaya ng lumpia, fried rice , stir fry , adobo at chicken wings na gusto ng mga Ngarrindjeri Elders pati mga bata.
- Gaya ng mga Filipino, family oriented ang Aboriginal at kapag may bisita pinapakita ang pagka-hospitable kahit pa sa mga hindi nila kilala o dayo lang sa lugar.
- Ayon kay Jelina Haines, ang pagtanggap at pag-unawa sa mga pagkakaiba ng mga Aboriginat at Torres Strait Islander pati sa mga migrante ay susi para sa mapayapang pamumuhay ng mga Australians.
Ito ang pambihirang karanasan ng Pinay na si Jelina Haines mula sa Adelaide, South Australia na higit 20 years a ng patuloy na nakikisalamuha at naging parte na ng kanyang buhay ang mga Aboriginals o mas kilalang mga sinaunang tao ng Australia, partikular na ang Ngarrindjeri Elders na ngayong nasa Camp Coorong Meningie, South Australia.
Ayon kay Jelina, di niya maitatanggi marami siyang narinig noon na di magandang kwento tungkol sa mga katutubo pero nang makasama at makilala niya ang mga ito nang lubusan, nag-iba ang kanyang pananaw at itinuring nya itong pamilya.
Nagsimula ang kanyang paglalakbay kasama ang mg Aboriginals dahil tinatapos kasi niya ang kanyang Doctors Degree research na ang focus topic ay pag-aralan ang pamumuhay ng mga Indigenous People o Aboriginals na Ngarrindjeri Elders na tinatawag niyang mga Aunty's at Uncle.
Kasama dito ang pagtatala ng mga natatanging kwento ng mga ninuno na gusto nilang maibahagi sa mga susunod na henerasyon.
Sabi ni Jelina, hindi naging madali ang kanyang karanasan pero masaya siya dahil nasimulan niya ang magandang pagsasamahan ng mga Elders.

Mga pangkabuhayan na proyekto ng Ngarrindjeri Elders sa South Australia Source: Jelina Haines
"Nagsimula yong pakikitungo ko sa kanila noong nagtrabaho ako dun sa kanilang lugar sa mga Elders," kwento ni Jelina.
Sa patuloy na pakikisalamuha sa mga Aboriginals, naging susi ito para maramdaman ni Jelina ang tunay na pamilya lalo pa’t alam niya sa sarili na yon ang kulang sa kanya, dahil pina-ampon sya ng kanyang sariling mga magulang sa ibang pamilya. "Itinuring nila akong pamilya. Ako din, nirespeto ko sila, nakita ko yong pamilya ko sa Ngarrindjeri community, dagdag pa nito.
Kaya sinuklian nya ng kabutihan ang pinapakitang pagmamahal ng mga Elders , sa pamamagitan ng lutong Pinoy. Ginamitan din niya ng mga halamang kilala ng mga Aboriginals gaya ng native celery at parsley ang kanyang luto, para hindi maging iba sa kanila ang aking niluluto.
Nakukuha din niya ang loob ng mga bata sa komunidad kaya kapag bumibisita ito sa kanilang lugar, naghahanda na ito sa pwedeng lutuin.
“Kapag pumupunta ako sa kanila, sinsalubong na ako ng mga bata. Kung pwede ba daw ako magluto ng lumpia at fried rice," dagdag pa ni Jelina.
Dahil sa mas lumalalim na relasyon, nakita din ng Pinay na maraming tradisyon at kultura ang mga Aboriginal na halus katulad nang sa mga Filipino. Gaya lang ng pagmamahal sa pamilya at ibang klase din umano sila kung tumulong gaya ng mga Filipino na tinaguriang hospitable .
Magalang din ang mga Aboriginal, kung ang mga Pinoy ay namamano ang mga katutubo ay nagbibigay ng mahigpit na yakap. Halus pareho din kung magdisiplina sa mga bata. Kwento ni Jelina, bawal ang sumampa sa usapan ng matatanda at hindi pwede mag-ingay.
May close family ties din ang mga katutubo at nagdadamayan palagi.
“Kapag malaki ang pamilya, nasa isang bahay lang sila at kung may problema sa pera, o naghihirap pwede tumuloy yong sa bahay ng magulang hanggang sa kaya ng tumayo ulit na mag-isa," dagdag pa ni Jelina.
Laking pasasalamat naman ni Jelina dahil sa pinakitang tiwala ng mga Aboriginal sa kanya at sinabi sa sarili hindi nya sasayangin ang kanilang nabuong relasyon bilang isang pamilya.

kuhang larawan sa ginawang fashion show exhibition ng mga Aboriginal sa South Australia Source: Jelina Haines
Katulad din ng mga Filipino, kasama sa kultura ng mga Aboriginal ang paghahabi o weaving, gusto din ng mga katutubo na ipamana sa nakababatang henerasyon ang natatanging mga kwento kung saan parte na ng kanilang kultura at tradisyon.
At ang ginagawang pag-aaral o research ni Jelina ay isang hakbang para makatulong na maisakatuparan ito.
“Ang mga Elders ngayon ang huling may hawak ng kaalaman sa mga kwento dahil ang iba ay nawala na , kaya gusto nilang maisasulat ko at ibigay sa mga susunod na henerasyon ang kanilang kwento."
"Iyon naman talaga ang layunin ko para ma-preserve yong kultura ng Aboriginal, para maintindihan at magtulungan para maintindihan sila, hindi yong i-influence mo yong kaalaman nila " kwento ni Jelina.
Ngayong ginugunita ng buong bansa ang National Reconciliation Week, payo ni Jelina sa lahat ng Australians higit sa lahat para sa mga Filipino.

Pamilya ang turingan ng Pinay na si Jelina Haines at Ngarrindjeri Elder na si Aunty Ellen Trevorrow Source: Jelina Haines
“Kailangan nating unawain yong kultura at makisama sa kanila ng walang paghuhusga, para magkaroon ng magandang samahan, mangyayari lang yon kapag maunawaan ng bawat isa ang kanilang pagkakaiba," kwento pa ni Jelina.
Matapos man ang pag-aaral na ginagawa ni Jelina sa komunidad ng Ngarrindjeri Elders pero hindi umano matatapos ang kanyang magandang relasyon at pagkikitungo sa mga ito dahil sila umano ang unang tumanggap sa lahat ng mga migrant na kagaya nya dito sa bansa na ngayoy’y lubos syang nagpapasalamat dahil sa oportunidad na kanilang natatanggap kasama ang kanyang buong pamilya.
BASAHIN O PAKINGGAN DIN