Paano humingi ng dagdag sweldo sa trabaho

salary increase, pay rise, dagdag sweldo

Source: Getty Images/Pekic

Natural sa mga Pilipino ang pagiging mahiyain lalo na sa pakikipag-negosasyon ng sweldo. Alamin kung paano ihanda ang sarili at makumbinsi ang iyong employer sa pagkakaroon ng salary increase o dagdag sweldo.


Paano po ba ang tamang pag-negotiate ng salary increase?-Geleen Hello, kamusta po? In a few months, mag-a-anim na taon na ako sa media company na pinagta-trabahuhan. Aware ako kung gaano kahirap ang sitwasyon ngayon para sa nakakarami dahil sa pandemya…Pero I was just wondering kung pwede po ba akong humingi ng raise? Naisip ko rin na baka bad timing pero tiwala ako sa aking kakayahan at na-contribute sa kumpanya before nagka-pandemic…kaya umaasa akong mapag-bibigyan. Pero honestly, first time ko pong hihingi ng raise. Paano po ba ang tamang sa pag-negotiate ng salary increase?
Huwag ma-stress! Dahil laging #MayPeraan. 

Para sagutin ang tanong ni Geleen* at bigyan ng gabay ang mga tulad nyang nais magkaroon ng salary increase, narito ang payo ng finance expert na si Michelle Baltazar.

*hindi niya tunay na pangalan

1. Huwag mahiyang magtanong

Walang good o bad time para magtanong tungkol sa sweldo kahit na sa panahon ng pandemic. Karapatan mo ito bilang isang empleyado. 

Nakakadagdag sa lakas ng loob kung matagal ka na sa trabaho at alam mong maganda ang iyong performance.  Pero in general, mainam na magtanong sa employer kada dalawang taon.

2. Humingi ng “Pay Review”

Karaniwan sa mga kumpanya ang paggamit ng KPI o Key Performance Indicator para masukat ang naging paglago ng negosyo. 

Para naman malaman kung nagawa mo ang iyong trabaho ng tama at nakatulong sa pag-angat ng kumpanya, pwede kang humingi ng pay review. 

Mahalaga ang pay review para matukoy kung magkano ang karapatan-dapat na salary increase na para sayo. 

Pero bago ka lumapit kay boss, gumawa ka muna ng record ng iyong achievements. Ugaliin na ilista ang mga ito kada tatlong buwan.

3. Alamin ang standard ng kumpanya

Basahing mabuti ang employee handbook para malaman ang proseso ng kumpanya sa pagbibigay ng pay review.

4. Magkano ang pwedeng hingin na increase?

Dahil sa pagtaas ng mga bilihin at gastusin ng isang empleyado, karaniwang nasa 2-5% ang mainam na hingin na salary increase. 

Pero kailangan mo rin mag-research online at alamin kung magkano ang nararapat na increase sa klase ng iyong trabaho at posisyon sa kumpanya.

5. Iwasan maging emosyonal

Mabigat sa loob kung hindi mapapagbigyan ang iyong inaasam na dagdag-sweldo. Pero payo ni Michelle, na huwag umiyak o magwalk-out sa harap ng iyong boss. 

Kailangan mong ihanda ang iyong sarili bago ang pakikipag-negosasyon. Kung nagawa mo ng tama ang iyong trabaho, 80% ang tyansa na makakuha ng salary increase.

6. Magkaroon ng back-up plan

Kung sakaling hindi kayang ibigay ng kumpanya ang gusto mong increase sa sweldo, pwede kang humiling na magkaroon ng work flexibility. 

Maaring baguhin ang oras ng iyong trabaho para bigyan ng panahon ang mga side hustle or raket kung kailangan mo ng extrang pera. 

Kung tingin mo naman ay hindi nakikita ng kumpanya ang halaga mo bilang empleyado sa kabila ng iyong serbisyo, baka ito na ang panahon para I-update ang iyong CV at humanap ng bagong employer. 

Mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang oportunidad sa labas ng iyong kumpanya na magbibigay sayo ng kasiyahan bilang empleyado. 

BASAHIN/PAKINGGAN DIN
Ang 'May PERAan' ang pinakabagong podcast series ng SBS Filipino. Abangan tuwing Martes, sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.

Kung may nais kayong itanong kaugnay sa  pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa filipino.program@sbs.com.au o mag-message sa aming Facebook page.

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Follow us on Facebook for more stories


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand