Paano na ang kahinaan ay nagbigay ng inspirasyon sa musika

Clarissa Mei

Clarissa Mei Source: SBS Filipino

Ang musika ay nagbigay sa kanya ng maraming bagay kahit nang panahon na siya’y nagsisimula pa lamang sa murang edad. Sa pamamagitan ng musika nakilala niya maraming mga tao at nadala na siya ng musika sa mga lugar na pinapangarap lamang ng ibang bata na kasing-edad niya.


Inaamin na isang introvert, ginagamit ng singer-songwriter na si Clarissa Mei ang kanyang hilig sa musika upang makatulong na matugunan ang kanyang pakiramdam na pagiging mahina at mababang kumpiyansa sa sarili. Ang kanyang personal na kahinaan na ito, sa katunayan, ay isang inspirasyon para sa isang awitin na kanyang inilabas, ang "Vulnerable."

"The idea of the song is kinda tackling the issue of vulnerability and how it's kind of taboo to talk about your feelings and it's almost seen in a negative way and seen as a weakness to talk about if you're feeling sad, upset or have depression... I want to tackle the issues of that and kind of make it more normal to talk about your vulnerabilities," describes the music degree holder.

Si Clarissa Mei ay nagsimula sa pag-awit sa napakabata edad, at natuto din siya sa pagtugtog ng mga instrumento tulad ng piyano at gitara at iba pa. Naging bahagi siya ng One Voice Singing School sa Castle Hill, New South Wales nang siya ay tinedyer pa lamang kung saan sa pamamagitan nito, nakasama siya sa isang buwan na talent camp kasama ng Glee Club US sa Los Angeles, California noong Disyembre 2013.

Ilalabas niya ang kanyang sariling EP ngayong taon na pinamagatang "Vulnerable," kung saan kanyang nilalayon na gumawa pa ng higit pa na sarili niyang musika upang makatulong at magbigay-inspirasyon sa mga taong may pakiramdam na mababa at mahina sa parehong paraan na kanyang tinugunan ang kanyang personal na mga kahinaan.

"Being in the music scene, it kinda help me meet people and kinda learn more about people, how to connect with people, I guess that's what I get from music and just knowing how people are and how they react to music and what music does to people," says the half-Australian and half-Filipino singer-songwriter.

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paano na ang kahinaan ay nagbigay ng inspirasyon sa musika | SBS Filipino