Matapos ilabas ang kanyang single na Rosas noong nakaraang taon, muling nagbabalik ang Melbourne-based R&B/Hip-hop artist na si JeryC upang pag-usapan ang paglabas ng kanyang bagong album, na naglalaman ng mga awiting sumasalamin sa kanyang personal na paglalakbay sa pag-ibig.
KEY POINTS
- Ibinahagi ng 27-taong-gulang na artist na ang album ay isang tapat at lantad na pagsasalamin ng kanyang mga karanasan sa pag-ibig.
- Naniniwala si JeryC na ang pagsusulat ng kanta at pag-awit ang pinakamakapangyarihang paraan upang maghilom at maibahagi ang kanyang kwento.
- Nadiskubre ng lokal na producer na si Cy Fly Mil sa Filipino event na Jowa Night si JeryC, na naging simula ng kanyang namamayagpag na karera sa pag-awit.
Share



