Ibinahagi ng Filipino-Australian singer na si Red Roy ang kanyang karanasan sa paglaki sa isang pamilyang Pilipino at kung paano hinubog ng kanyang pamilya at kultura ang pagmamahal niya sa musika. Tinalakay rin niya ang kanyang paglahok sa The Voice Australia Season 15, ang mga aral na kanyang natutunan mula sa kompetisyon, at ang kanyang mga plano para sa susunod na yugto ng kanyang karera sa musika.
Key Points
- Ikinuwento ni Red Roy kung paano nakaimpluwensya ang kanyang pagpapalaki sa isang pamilyang Pilipino sa kanyang personalidad, mga musikang kinahiligan, at pagmamahal sa pag-awit.
- Binalikan niya ang kanyang karanasan sa The Voice Australia Season 15, kabilang ang pagkakataong mabigyan ng pangalawang tsansa at ang mahahalagang aral na natutunan niya bilang isang artista.
- Mula sa pagtatanghal at pagba-busking hanggang sa paglabas sa pambansang telebisyon, ibinahagi ni Red Roy kung paano niya nabuo ang kanyang kumpiyansa at pagkakakilanlan bilang performer.
- Ibinahagi ni Red Roy ang kanyang mga plano para sa kanyang music career, ang uri ng artistang nais niyang maging, at ang mga pangarap niyang maabot matapos ang The Voice.
#sbsaudiopodcast
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Share




