Pamilya ang naging sandalan

A-Team’s kitchen

Arvin and Rose Acosta held onto each other along with their family and close friends to get through the effects of the pandemic lockdown Source: Supplied

Bumagsak ng halos 75% ang kita ng negosyo ng mag-asawang Acosta sa kasagsagan ng matinding mga lockdown sa NSW. Sariling pamilya ang pangunahin nilang kinapitan sa panahong ito.


Kakarampot lang ang kita ng A-Team’s Kitchen sa gitna ng mga paghihigpit kaugnay ng COVID-19. Masaya na kung kumita sila ng $200 kada araw.

“Hindi talaga namin afford na magbayad ng staff, kaya kami-kami lang. Masaya na kami kung may $200 kami. Pero minsan $98 ang benta. May araw pa nga na $57 lang ang benta namin,” kwento ni Rose Acosta.

 


 

Mga highlight

  • Takot na magsara at hindi na muling makabangon ang karaniwang pakiramdam ng maraming mga maliliit na negosyo sa gitna ng mga epekto ng pandemya.
  • Para sa maliliit na negosyante, tulad ng mag-asawang Arvin at Rose Acosta, sa sariling pamlya ito kumapit sa panahon ng walang katiyakan.
  • Nakatulong din kahit paano ang bigay na tulong ng gobyerno, tulad ng JobKeeper, para makahinga ng kaunti ang mga maliliit na negosyo.

Takot sa gitna ng paglagapak ng kita

Mula sa average na buwanang kita na $25,000 bago ang pandemya, lumagpak ito ng hanggang $10,000 kada buwan sa gitna ng mga paghihigpit noong 2020.

"May time pa nga $7,000 lang ang kita namin sa isang buwan,” sabi ni Gng. Acosta na siyang namamahala ng kanilang restawran.

“Medyo natakot kami noon. Hindi namin alam kung ano bang gagawin namin. 'Yung para bang na-shock ka, hindi mo alam kung anong gagawin. Nagsarado kami at nang magluwag ng konti, nagbukas kami pero hindi namin pinaasok 'yung mga staff namin," kwento ng ginang.
A-Team's Kitchen
In December 2017 during A-Team's Kitchen first year in business where social distancing doesn't exist yet. Source: A-Team's Kitchen Facebook

Pamilya ang naging sandalan

Sa panahon na sarado ang kanilang restawran noong Marso nang unang pumutok ang pandemya, napapaisip ang mag-asawang Arvin at Rose Acosta kung paano sila makakapagpatuloy.

“Dumating talaga kami dun sa time na nagworry. Nagwo-worry kasi ang dami mong babayaran tapos wala kang income na papasok, tapos may mga loans sa business at mga personal mo rin na bayarin so doon talaga nag-struggle at the same time nag worry.”

Nang magluwag ng kaunti at pinayagan ang mga take-away, muling binuksan ng mag-asawa ang A-Team’s Kitchen.

“Noong una, ako lang mag-isa kasi wala din namang customer, minsan may paisa-isa lang so I can manage by myself,” ani Rose.

“Tapos nagkaron ng mga deliveries, so ako na mismo yung nagde-deliver, tapos ang mama ko yung nagluluto.” 

“Kahit si Arvin tumutulong din siya ‘pag kailangan ko ng extra help, nagpupunas ng mesa, naghuhugas ng pinggan,” salaysay ng ginang.
A-Team's Kitchen
With only its core family living in Australia, A-Team's owner had to depend on themselves during the strict COVID lockdown in March 2020. Source: Arvin Acosta

Pagbubukas ng bagong pag-asa

Naging todo ang pagtitipid ng pamilya upang maitawid ng pinakamahirap na pagkakataon sa kanilang negosyo.

Dahil na rin sa matumal sa bumibili, “kung ano lang ‘yung stock na meron kami, ‘yun lang talaga ‘yung for sale. Hindi kami nagre-restock. Para maubos ung mga stock naming,” lahad ng babaeng Acosta. 

Sa kanilang muling pagbubukas, dinala ng mag-asawang Acosta ang buo nilang pamilya sa kanilang restawran.

“Sarado kasi nu’n ung mga school, mayroon kaming 3 maliliit, so, that time homeschool yung mga bata. Dinadala rin namin sila sa A-Teams. Dahil wala namang dine-ins at puro lang take-away yung mga customers.”

“Parang nagkaroon ng day care and at the same time gusto rin kasi naming malaman ng mga tao na A-Team’s Kitchen is functional and working,” ayon kay G. Acosta na noong pagkakataon iyon ay pansamantala ding hindi pumasok sa kanyang full-time na trabaho sa real estate. 

Mahirap man nalampasan din ng pamilya ang hamon na ito. “Sobrang hirap pero naka-survive naman, inisip nalang namin na nasa bahay lang kami, kasama namin ‘yung mga bata.”
homeschooling
During the total lockdown, schools were closed,, Arvin and Rose Acosta, set up a corner at their A-Team's Kitchen for their 3 young kids' home-schooling. Source: Supplied by Arvin Acosta

Pagbabahagi ng tulong sa iba

Nang magsimulang makatanggap ng pinansyal na tulong si Rose Acosta mula sa ibinibigay ng gobyerno na JobKeeper, sinimulan din niya na magpapasok ng kanilang mga tauhan.

“Napakalaking tulong kasi nu’ng time na nagkaroon na kami ng support from the government (Jobkeeper) at kahit paano may mga orders paunti-unti, nagpapapasok ako ng 1 staff a day depende sa araw,” masayang sabi ng manager ng A-Team’s Kitchen.

“Para lang din mabigyan ko sila ng income at kahit paano makatulong din sa kanila. Nakatulong din kami na makatawid kasi nakahingi naman kami ng deferment para sa rent,” sabi ni Rose.  

Sa kinalaunan, nagkaroon din ng ibang tulong mula sa iba’t ibang mga kakilala at kaibigan na kanilang ibinahagi sa kanilang mga tauhan at iba pang mga international students nawalan ng trabaho.

“It started from a small donation of fruits and vegetables for the students hanggang sa nalaman na ng mga tao, may mga dumating na nagdala ng mga bigas, nagdala ng sabon, noodles.”

“Naging medium at point of contact ang A-Team. We advertise that there are bags of goodies for international students. It was a blessing, hindi na naming namalayan na wala na kaming kinikita pero God provided at that time,” puno ng pag-asa na kwento ng lalaking Acosta.

“I was once an international student and mahirap po lalo kung wala ‘yung pamilya ninyo dito na wala na kayong kinikita $5 na lang ang laman ng wallet nyo, magbabayad pa ng tuition, magbabayad pa ng upa. So at that time naramdaman po namin yung pamilya and I think that’s what the pandemic did is to make you realise to go back to basics – faith, family and community.
A-Team's Kitchen
The Acosta's children helped out in packing relief good for students; one of A-Team's my staff, Rolina, was also very supportive during those difficult times. Source: Supplied by Arvin Acosta

Positibong aral mula sa pandemya

“Noong time ng pandemic napatunay namin na it’s not all about money, it’s not all about what we can earn to feed the family.

“I think it’s spreading the word that tayo ay magkakatulong-tulungan para malampasan ito.”

Para kay Arvin Acosta, tunay na may mga positibong bagay na naidulot din ang pandemya, isinasantabi ang lahat ng negatibong dala nito.

“We have our family, we may not be as blessed as the others na talagang yung family andito, pero ang maganda doon that’s the time na lumaki ang pamilya namin in terms of ‘yung mga people na natutulungan namin, ‘yung mga kaibigan namin na lalo mong naramdaman yung presence nila noong time na iyon.”

Para naman sa mga kapwa maliliit na negosyante, “it’s just a matter of keeping the faith and God will provide and at the same time, when in doubt, stop and revise your plan.”

“Napakarami po lalo na tayong mga Filipinos, we are very resilient pagdating sa mga ganyang bagay, we can think of another way of earning as long as it’s the right way and it’s God’s way."

 

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pamilya ang naging sandalan | SBS Filipino