Isa ito sa mga suliranin ng mga Pilipino na madalas ay ibinabahagi sa pamamagitan ng isang private group ng mga Pinoy sa Facebook na Pinoy AU Perth.
Ayon sa Philippine Consulate, kailangan lamang mg dalawang photo copy ng data page ng iyong passport, dalawang passport size o 2 by 2 photo, maghanda rin ng $45 para sa aplikayson.
Dapat rin daw na bago pumunta sa kanilang opisina ay makapag-pabook ng appointment upang masiguro ng konsulado na sapat ang kanilang form.
Matapos makuha ang iyong finger print ay ipapadala na ang iyong dokumento sa opisina ng NBI sa Pilipinas.
Highlights
- Ilang Pilipino sa Perth, naguguluhan pa rin sa proseso ng pagkuha ng NBI clearance
- Dahil sa pandemic, mas napapatagal ang proseso ng pagkuha ng NBI clearance
- Mas makakabuti kung idiretso sa mga kamag-anak ang iyong dokumento gamit ang mga pribadong courier
Ngunit dahil sa pandemic, mas napapatagal umano ang proseso dahil imbis na maaring maipadala ng diretso sa main office ng NBI sa Ermita Manila, kailangan pa umano na may maglakad ng iyong dokumento. Maaring kaibigan o kapamilya basta may letter of authority na kasama.
Paliwanag ng Philippine consulate na nag-ugat ang sistemang ito simula ng ihinto ng Philipine post ang pagtanggap ng mga sulat o parcels mula sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Kaya para sa mga aplikante, mas makakabuti umano kung diretso sa mga kamag-anak ang iyong dokumento gamit ang mga pribadong courier.




