Highlights
- Ang exercise na ginagawa sa gym ay kapareho lang sa bahay, pwedeng gumamit ng anong bagay gaya ng upuan, tuwalya, lamesa, libro at marami pang iba.
- 90 % ang kawalan ng disiplina sa pagkain,10 % ang kawalan ng ehersisyo, ang dahilan kung bakit tumataba ang isang tao, pero dapat gawing balanse ang lahat, gawin pag-ehersisyo at pagkain ng tamang pagkain.
- Lumalabas sa isang pag-aaral atleast 150 minutes na pag-ehersisyo sa isang linggo ay napapahaba ang buhay ng 7 taon o higit pa, kumpara sa inactive o hindi nag-eehersisyo.
Patok ngayong panahon ng pandemya ang online fitness training, base sa ginawang survey ito na Number 1 bilang Worldwide Fitness trends ngayong 2021.
Ayon sa isang Multi-Certified Fitness Professional at Lifestyle changer na si Coach Marco AntonioTamayo mula Gold Coast, Queensland, ilang taon ng ginagamit ang online sa fitness training pero naging sikat ito matapos ang maraming ipinatupad na restriksyon dahil sa Coronavirus.

Change your lifestyle to prolong your life. Source: Marco Antonio Tamayo
“Ang fitness ay hindi lang six packs abs, good biceps, at leaner body, sa fitness training yong kalusugan ang focus natin, secondary na lang yong six packs abs,” tugon ni Coach Tamayo.
Base sa ginawang pag-aaral, kalahating kilo ang nadadagdag na timbang kada lingo nilang mga naka-work from home na walang ehersisyo.
Dagdag ni Coach Tamayo, hindi lang mga may edad ang tumataba ngayong may pandemya, pati mga bata dahil limitado ang kanilang galaw.
“Dahil nasa bahay, nakakulong ang feeling ay relaxing at madali ang access ng pagkain dahil online na din.”
Ugaliing mag-ehersisyo kahit saang lugar
Kaya payo nito mag-ehersisyo kahit sa loob ng bahay gamit ang iba’t ibang kagamitan.
“Kahit saan pwedeng mag-exercise, gamitin ang timbang ng katawan bilang equipment, pwede tayong mga squat, push- up, burpees, buksan ang TV’s at magsayaw ng 30 minutes hanggang 1 oras, exercise na yon.”
Dagdag nito maari ding pumunta sa mga parke at sumabay mga galaw ng binabantayang mga anak o mga bata.
“Pagtulak ng pram, maaring bilisan ang paglalakad. Maganda ang mga park dito, pwede maglambitin sa monkey bars, pwedeng mag-step up and down at maglaro ng basketball kasama ang mga bata, bonding.”
Gawing regular ang pag-ehersisyo, pwedeng 30 minutos hanggang isang oras, tatlong beses sa isang linggo pero kung gusto ang mas mabilis na resulta, gawing araw-araw maliban sa Sabado at Linggo.
Mag-ehersisyo at kumain ng tama para humaba ang buhay

Change your lifestyle to prolong your life. Source: Marco Antonio Tamayo
May mensahe ito sa mga tinatamad na kumilos o mag-ehersisyo kahit ramdam na nila ang sakit sa kanilang mga paa dahil sa dalang bigat ng katawan.
“Ngayong panahon ng pandemya hindi mo alam kung ano ang mangyayari, para maing ma-enjoy ng mas mahaba ang iyong buhay, gawing balanse ang buhay kumain ng tama at mag-ehersisyo para sa pamilya.”
Aminado si Coach Tamayo, bilang isang Lifestyle changer, dapat i-kondisyon ang isipan ng isang tao para maunawaan nito ang kahalagahan ng buhay at kung ano ang epekto ng sakit sa buhay ng tao.
At lahat ng kanyang mga kliyente ay kanyang kinakausap ng masinsinan bago simulan ang training.
“Kumustahin ang mga magulang, may sakit ba o wala. Halimbawa kung sasabihin stroke at diabetes ang ikinamatay, sinasabi ko na, sa gusto mo o hindi, ganun din ang mangyayari sa iyo dahil namamana yon. Gusto ko maintidihan nila na ang pagkain ng tama at pag-ehersisyo ay nakakatulong para humaba ang buhay.”