Kung mayroon kang pamilya o kaibigan sa ibang bansa, malaki ang pagkakataon na magpapadala ka ng pera sa kanila. Ito ay maaaring bilang tulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay, pagbahagi ng gastos sa bakasyon o upang bayaran ang utang.
Ang paglipat ng pera sa pamamagitan ng internet ay mas nagiging madali ngunit, mayroong mga mahalagang bagay na dapat malaman upang maiwasan ang malaking bayad o ang maipit sa isang scam.
Paglilipat ng pera sa pamamagitan ng iyong bangko
Ang paggamit ng iyong bangko ay isa sa mga pinakamadali at pinakaligtas na paraan ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa ngunit ito ay mahal. Ang bawat Australyanong bangko ay sumisingil ng magkaibang bayad para sa kanilang serbisyo, karaniwan sa pagitan ng $10 at $32 para sa bawat paglipat.

Source: getty images
Paggamit ng mga kompanyang money transfer
Pagdating sa pagpapdala ng mga pera na nagkakahalaga ng halos $1000 sa pamilya t mga kaibigan, ang pinakamurang opsyon ay ang mga kompanya ng online money transfer tulad ng Transferwise. Ang bayad ay iba-iba sa pagitan ng $0 at $15 para sa mga maliit na halaga.
Siguraduhin na magplano ng maaga dahil ang paggawa ng account at pagkuha ng aproba ay kukuha ng ilang araw.
Ang iilang mga kompanya ng money transfer ay nagpapahintulot gumamit ng cash o EFTPOS ngunit ang bayad ay mas mahal kumpara sa kung ginawa mo ito online.

Source: getty images
Internasyunal na Money Order
Maaari din kumuha ng international guaranteed na tsek sa iyong bangko at ipadala sa pamamagitan ng koreo upang ma-deposit ng iyong pamilya sa kanilang bank account. Ito ay mas mabagal kumpara sa dating opsyon.
Itsek ang palitan ng salapi
Kung ang paglilipat ay hindi madalian, maaaring maghintay at maghanap ng magandang palitan ng salapi.
“There are lots of options but you should shop around for a good exchange rate. This could mean the difference between more money or less money in the bank account of the person you are sending the money to,” sabi ni Warren Day, Regional Commissioner ng Victoria para sa the Australian Securities and Investments Commission.

Taxas variam de banco para banco na Austrália. Source: getty images
Gawin ang sariling pananaliksik
Kung gagamit ng kompanya ng money transfer, piliin ang may marangal na reputasyon. Pwedeng gamitin ang mga website tulad ng SendMoneyPacific, SendMoneyAsia at Remittance Prices Worldwide upang masuri kung ang kompanyang gagamitin ay mapagkakatiwalaan.
Itago lahat ng mga impormasyon hanggang ang paglipat ay natanggap
Kapag naggawa na ang transaksyon sa isang kompanya ng money transfer o bangko, siguraduhin na naitago ang mga importanteng impormasyon sa ligtas na lugar; numero ng transaksyon, halaga ng paglipat, oras ng paglipat, atbp.
Kung may isyu at hindi natanggap ang pera, maaaring pumunta ng direkta sa kompanya o sa bangko kasama ang impormasyon at siguradong ikaw ay matutulungan.
Kung hindi nila mahanap ang pera o hindi ka masaya sa sagot nila, maaaring magreklamo sa Financial Ombudsman Service.
BASAHIN DIN: