Dahil sa stigma na nakapalibot sa kalusugan ng kaisipan ng mga kalalakihan, maraming mga tatay ang kadalasa'y umiiwas na lamang na humingi ng tulong.
Nasa 43 % ng mga unang pagkakataon na tatay ay naniniwala na ang postnatal depression and anxiety (PNDA) ay isang tanda ng kahinaan.
Highlight
- Isa sa 10 mga tatay ay nakakaranas ng perinatal depression and anxiety (PNDA).
- Halos kalahati sa mga ito ay hindi humihingi ng tulong dahil sa paniniwala na ang depresyon at pagkabalisa ay tanda ng kahinaan.
- Isang bagong video ang inilabas ng Gidget Foundation Australia bilang bahagi ng pagsuporta sa mga tatay na nakakaranas ng PNDA.
Perinatal depression and anxiety (PNDA)
Lahat ng mga nagdadalang-tao at unang pagkakataon na maging nag magulang ay nakakaranas ng ilang hamon sa pagkakaroon ng anak. Pero kung labis na ang nararanasang mga hamon, maaaring makaranas ng perinatal depression and anxiety (PNDA).
Ang PNDA ay depresyon at pagkabalisa na nararanasa sa panahon ng pagbubuntis at unang taon ng pagiging magulang.
Nasa 10 % ng mga tatay sa Australia ay nakakaranas ng problema sa kalusugan ng isip sa unang taon na pagiging ama, kasunod ng pagkakapanganak sa kanilang anak.
57 % ng mga first-time na tatay ay umamin na nakakaranas ng makabuluhang pagtaas ng antas ng stress.
Suporta para sa mga tatay
Ang Gidget Foundation Australia ay nagbibigay-suporta para doon sa mga nakakaranas ng perinatal depression and anxiety kasama na ang mga tatay.
Mga serbisyo para suportahan ang mga pamilya na nakakaranas ng emosyonal na pagkabalisa sa panahon ng pagbubuntis at unang bahagi ng pagiging magulang.
May mga programa ng edukasyon at pagbibigay ng kamalayan para sa mga health professionals at komunidad.
Ibinahagi ni Dr David Moore, isang general practitioner, ang detalye ng mga serbisyong ito.