Hindi lamang siya tinamaan ng mga hamong medikal sa mga komplikasyon ng kanyang unang pagbubuntis, ngunit tiniis din ng dating Charity Princess Australia 2014 at kandidata ng Miss Philippines Australia 2014 ang mga pambu-bully sa kanya dahil sa kanyang pagbigat ng timbang sanhi ng kanyang pagbubuntis, at nahirapan din siya sa pagharap sa kalusugan ng kanyang kaisipan upang harapin ang mga negatibo at hindi kinakailangang mga puna mula komunidad na kanyang kinalakihan.
"I had so much complications, not a lot of people know but I was struggling with my mental health. Even if you try to be resilient it's kind of hard 'coz you're vulnerable. You try to adapt everything that you can learn trying to prepare for your first child," pahayag ni Bb Santos na nanganak sa kanyang panganay na anak noong unang bahagi ng Enero.

Desa, with partner Matthew, after enduring the labour pain and giving birth to their son Lio Source: Facebook
Nakarinig siya ng mga hindi kanais-nais na mga salita tulad ng "it's going to be horrible, your life's going to change, you're unprepared, you're so young".

Desa Santos poses for Miss Philippines-Australia in 2014 Source: Miss Philippines-Australia Facebook
Ilang mga pamantayan na malubhang nakakaapekto sa kung paano nakikita at kumikilos ang iba para sa ibang tao. "When I fell pregnant, it's almost like people were looking at me as if I'm going to be in a death row, I'm gonna be hung, I'm gonna die," matapang na pagsasalaysay ni Desa.
Sa kabila na labis na naapektuhan ng pambu-bully sa kanya at hinarap ang kanyang mental na kalusugan, si Desa Santos, na napaka-aktibo sa komunidad bilang isang mang-aawit / performer at sa mga kawanggawa bago mabuntis, ay nagtapos sa kanyang kurso na Nursing noong Disyembre habang siya ay nagdadalang-tao.
Umaasa siya na makapagbigay-inspirasyon sa mga kababaihan na maging matatag at manatiling resilient sa anumang mga hamon na maaaring mangyari. Makakatulong din na kapag may pinagdadaan kang mabigay na problema o sakit, lumapit sa mga tao na tunay mong mapagkakatiwalaan at humingi ng tulong at payo para sa iyong kalusugang pangkaisipan mula sa mga mapagkakatiwalaang organisasyon at serbisyo dahil iba ang maibibigay nitong kaibhan sa buhay mo.

Desa during her graduation day in December 2019 with her parents Precy and Rogelio Santos Source: Facebook
READ MORE

Dealing with mental health