Paano maiiba ang Bagong Taon sa Australya ngayong 2020-2021?

new years, new year, new year's eve, australia, covid

How different will NYE in Australia be this year? Source: Free-Photos from Pixabay

Paulit-ulit na nating nariring na mag-iiba ang mga selebrasyon para sa Bagong Taon nitong 2020-2021. Ngunit, paano nga ba ito mag-iiba sa Australya? Ito ang mga ilang pagbabago sa bawat estado't teritoryo sa bansa.


NSW: Risk management

Dahil may panibagong COVID outbreak ngayon sa New South Wales, pinili ng pamahalaan na mag-pokus sa risk management.

May limit na 10 na katao kada household gathering, habang binaba ang maaaring magpunta sa mga outdoor events mula 100 papuntang 50.

Kahit magpapatuloy ang paputok sa Sydney Harbour, kanselado ang mga naka-reserbang lugar foreshore para sa mga frontliners. Ang mga nagnanais na pumunta sa harbour upang manood ng paputok ay kinakailangang kumuha ng permit mula sa Service NSW.

VIC: Outdoor dining at paghalik sa hatinggabi

Wala ring malalaking fireworks displays sa Melbourne.

Imbis na paputok, may two-day dining festival sa CBD para na rin makapag-enjoy ang mga residente at matulungan ang hospitality industry.

At para sa mga pupunta sa mga selebrasyon, hindi maaaring makipaghalikan sa mga di kilala pag sapit ng hatinggabi.

QLD: Maliliit na fireworks displays at social distancing sa dance floor

Kinansela na ang fireworks display sa South Bank sa Brisbane, ngunit may mga restawran at pubs na nagdesisyong magpapaputok na lang sila para sa Bagong Taon.

Bukas ang mga parks at maaaring mag-ihaw ang mga tao, ngunit bawal uminom ng alak sa mga lugar na ito.

Nilimita ng mga organisers ng isang music festival sa Brisbane Showgrounds and mga ticket sales sa 2,500. May mga restricted dance zones dito upang mas madali magawa ang social distancing.

SA: Stand-up drinking at pagsayaw

Maaaring magbukas ang mga bars at clubs sa Bisperas ng Bagong Taon, ngunit kinakailangang may limit sila ng 200 na katao at dapat magbenta sila ng mga tiket bago ang okasyong ito.

Pinapayagan ang pag-inom ng alak at pagsayaw sa mga private functions; ngunit, may taga-bantay ang mga clubs at bars na may maliliit na dance floors upang matugunan ang tamang social distancing.

TAS: Mas mataas na fireworks display

Kanselado na ang Taste of Tasmania at ang Sydney to Hobart yacht race ngayong taon, ngunit, tuloy pa rin ang taunang fireworks display sa River Derwent.

Para sa mga ayaw o nag-aalangang magpunta sa waterfront, mas mataas ngayong taon ang fireworks display upang makita ito mula sa iba't ibang bahagi ng Clarence at Hobart LGAs.

WA: Family-friendly na aktibidad at mga cruises

COVID-normal ang mga selebrasyon sa Western Australia nitong taon. Gamit ang tamang safety protocols, tuloy ang fireworks display sa Swan River, cruises, family-friendly na aktibidad at mga parties.

NT: Dalawang fireworks displays

Dahil walang active cases at community transmissions sa Northern Territory, normal halos ang mga selebrasyon sa Top End nitong taon.

Ang pinakamalaking event sa estado ay gaganapin sa Darwin Waterfront kung saan itatanghal ang mga performers na gaya ng Tones & I at Sheppard . Dalawa ang magiging fireworks displays sa okasyong ito.

ACT: Pagkain, ilaw at mga buskers

Imbis na fireworks display at concert, magtatapos ang 2020 sa Canberra sa pamamagitan ng pagkain, ilaw at street performers.

May countdown din patungong 2021 ang mga clocktowers sa Gungahlin at Tuggeranong.

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand