Lumaking mulat sa dalawang kultura ang Anindilyakwa-Filipino Visayan singer at songwriter na si Emily Wurramara. Buong pagmamalaki niyang ibinahagi na ang kanyang pagkatao at musika ay malalim na nakaugat sa pinagsamang kultura ng kanyang inang Aboriginal Australian at amang tubong Negros Occidental sa Pilipinas — dalawang kulturang sabay na humubog, nagpalaki, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanya.
Key Points
- Ipinanganak at lumaki si Emily Wurramara sa Groote Eylandt sa Northern Territory, at nang siya’y anim na taong gulang, lumipat ang kanilang pamilya sa Brisbane.
- Sa kanyang kabataan, naranasan niyang hindi tanggap ng ilang miyembro ng komunidad ng mga Pilipino ang kanyang pagka-Pilipino.
- Sa kabila ng mga hamon, buong pagmamalaki ng ngayo’y Tasmania-based singer-songwriter ang kanyang pagiging Aboriginal Australian at Pilipino — dalawang kulturang aniya’y bumubuo sa kanyang pagkatao at nagsisilbing inspirasyon ng kanyang musika.
Ibinahagi ng nakabase na ngayon sa Tasmania na singer-songwriter ang magagandang alaala nang kanyang paglaki at maging mga hamon na kinaharap bilang isang Aboriginal at Filipino Australian.
Many people found it hard to believe that I was also Filipino. In high school, I’d even bring my dad to show them — he’s from La Carlota, Negros Occidental. Growing up, that was tough, but as I got older, I learned to fully embrace who I am — an Aboriginal Filipino woman living between two worlds. It can be challenging, but I’m proud of my heritage.Emily Wurramara, a proud Anindilyakwa-Filipino Visayan woman
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.



