Sinabi ng professional basketball player at coach Eric Miraflores ang mga katutubong kabataan na kanyang tinuturuan mula sa Yuendumu community ay nagpapaalala sa kanya kung paano nagsimula ang pagmamahal niya sa basketball.
Key Points
- 9-year old lang si Eric Miraflores nang unang makahiligan ang larong basketball sa Pilipinas.
- Naglaro siya para sa maraming unibersidad at leagues sa Pilipinas, pati sa Australian country basketball at NBL. Nakamit ni Miraflores ang pagiging professional basketball player sa edad na 38.
- Enero 2025 ginanap ang basketball clinic sa Yuendumu community sa Alice Spring, Northern Territory.
Share



