Isipin na iyong tinutupad ang lahat ng ito bilang bahagi ng iyong trabaho habang nakakatulong ka sa pangangalaga at pag-iingat ng mga ligaw na buhay?
Labis ang kasiyahan ni Si Stella Chiu-Freund na magawa ang lahat ng mga ito habang kanyang idinodokumento ang lahat at nakikipagtulungan sa kanyang kilalang asawa na isang wildlife photographer at conservationist. Gamit ang kanyang karanasan sa advertising, paggawa ng mga komersyal sa radyo at TV, tinahak ni Stella ang mundo ng freelance sa paggawa ng mga video documentary noong siya ay nasa Pilipinas pa bago pa niya nakilala ang kanyang asawa na si Jurgen Freund.
Si Stella, na nakabase na ngayon sa Cairns sa Queensland, ay gumagawa ng mga kwentong larawan kasama ang kanyang asawa na si Jürgen Freund, isang kilala sa mundo at mahusay na wildlife photographer.

Stella Chiu-Freund herding a school of yellow line scads in Raja Ampat in West Papua, Indonesia, January 2010. Source: Supplied by S Chiu-Freund

Husband-and-wife Jurgen Freund and Stella Chiu-Freund in a relaxing time at Banaue Rice Terraces, Ifugao in 2009 Source: Supplied by S Chiu-Freund
Sa kanilang mahigit 20 taon na pagtutulungan sa pagdokumento ng kapaligiran at mga wildlife, isa sa pinaka-hindi malilimutang karanasan ng mag-asawa ay nang sila ay nagtungo sa isang 18-buwan na tuluy-tuloy na ekspedisyon na pagkuha ng mga litrato para sa World Wide Fund for Nature (WWF) mula taong 2009 hanggang taong 2010 sa anim na bansa na bahagi ng Coral Triangle: ang Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Papua New Guinea, Solomon Islands at Timor Leste.
Nanainiwala na ang mga biswal na komunikasyon ay malakas na kasangkapan upang magsalaysay ng mga kwento, layunin ng dalawang na ibahagi ang mga kwento na nabuo sa mga taon ng dokumentasyon, pagkuha ng mga litrato at paggawa ng video sa likas na mundo. Sa isang gabi na ipagdiriwang ang kalikasan, ipapakita ni Juergen Freund, sa suporta ni Stella Chiu-Freund, ang mga larawan at kwento na marami ay nagmula sa mga karagatan ng Pilipinas sa isang pagtatanghal na pinamagatan na "Celebrate Nature with Juergen Freund" sa Canberra nitong ika-9 ng Agosto.
Ngayong kalagitnaan din ng Agosto pangungunahan ng mag-asawa ang dalawang grupo ng mga tao sa isang Photographic tour sa Tonga. "Swimming with humpback whales is one of the most amazing experiences one can ever have" as part of the Wild Diaries' Wildlife Experiences with a Difference.

Stella and Jurgen Freund n a restricted island sanctuary at the Tubbataha Bird Islet, Palawan. (Supplied by S. Freund) Source: Supplied by S. Freund

Stella Chiu Freund (right) with husband Juergen Freund in one of their underwater expedition. Source: Supplied by S. Freund
Ano ang maaaring gawin upang makatulong na mapangalagaan ang mundo? "Be mindful in all the you do in the everyday. Learn as much as you can (about the environment and wildlife) and adjust your life accordingly, and see the world as well," ang panghihikayat ni Stella Chiu-Freund at dagdag niya na ang pag-bo-boluntaryo ng isang buwan saanmang bahagi ng mundo ay makakapagpabago sa buhay ng isang tao pati na rin sa saloobin nito.