Sa nakalipas na dalawang linggo, naging tampok ng mga balita ang Australyanang madre hinggil sa kanyang laban upang makapanatili sa Pilipinas. Kung dati ay nakatuon lamang siya sa paggawa ng mga proyekto para sa kanyang gawaing misyonero, ngayon ay kinakaharap nya ang pagbawi ng gobyerno ng Pilipinas sa kanyang bisa upang makapanatili pa sa bansa. Sa kabila ng mga pangyayari, si Sr Patricia ay nananatili pa ring kalmado at nakatuon sa kanyang relihiyosong tungkulin.
Noong 1990, nagsimula si Sr Patricia sa kanyang gawaing misyonero. Napagpasyahan ng kanyang kongregasyon na bumuo ng mga gawaing pangmisyon at nagboluntaryo siya na pumunta sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong dekada, ginugol nya ang kanyang oras sa pagtulong sa mga magsasaka, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto at pagtuturo sa kanilang mga karapatan.

Source: Facebook
“I love the Filipino people. There was a time when I was with the farmers who were fighting for their own land and people are telling off foreigners to go home. They defended me to stay. They said, I am not a foreigner, I am Filipino,” inihayag ni Sr Patricia sa kanyang panayam. Dagdag pa niya, “I feel like crying, sometimes. I never expected such support from the Filipino people. It’s amazing”.
Matapos ang ilang taon sa paggawa ng mga gawaing pangmisyon, hindi nya alintana na isang araw ay mababansagan siyang ‘undesirable alien’ at humantong ito sa pagkabawi ng kanyang bisa upang makapanatili pa sa bansa.
“It never crossed my mind. I have never been a public person. I just do what I do because I like the Filipino people. It was all a shock to me,” inihayag ni Sr Patricia.
Sa kabila ng mga pangyayari, nais pa rin nyang ipagpatuloy ang kanyang pangmisyonerong tungkulin. Ayon sa kanya, ito ay bahagi ng kanyang Kristiyanong misyon na hikayatin ang mga tao na manindigan para sa kanilang pagkakaroon ng isang marangal na buhay.