Key Points
- Ayon sa Office of the Vice President, dumating si Sara Duterte sa Melbourne noong Miyerkules ng umaga, Hunyo 18, 2025.
- Nagbigay ng update si Vice President Sara Duterte tungkol sa kalagayan ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa The Hague, na nakakulong dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kampanya niyang war on drugs noon.
- Nagsalita siya sa rally na 'Free Duterte Now' sa Melbourne at nanawagan na pakawalan ang kanyang ama mula sa detensyon sa Netherlands.
- Iba-ibang reaksyon ang ipinakita ng mga Pilipino sa pagdating ni Vice President Sara Duterte sa Australia.

Nagsalita si Bise Presidente Sara Duterte sa 'Free Duterte Now' rally sa Melbourne, na dinaluhan ng ilang Pilipino, nananawagan na pakawalan ang kanyang ama mula sa detensyon sa Netherlands.

Nagmula ang mga tagasuporta mula sa iba't ibang estado at teritoryo sa Australia.
RELATED CONTENT:

VP Sara Duterte nakaplanong bumisita sa Australia

Samantala, ilang Pilipino sa Melbourne ang tumutol sa pagbisita ni Duterte sa Australia.

Ayon sa ilang grupo, tila nagpapahiwatig ng suporta sa kawalan ng pananagutan ang pagbisita, at maaaring magdulot ng pagkakabaha-bahagi sa Filipino community sa Australia. | Photo credit: BAYAN Australia
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.