Matapos ang halos 50 taon sa Australia, sabik nang makauwi sa Pilipinas si Josie Dare—isang pagbabalik sa bayang iniwan niya noong bata pa siya. Sa bawat pagkaing Pinoy at alaala ng kanyang ina, muling nabubuhay ang kanyang ugnayan sa kulturang matagal niyang pinanghawakan.
Key Points
- Matapos ang halos 50 taon, sabik nang makauwi sa Pilipinas si Josie Dare upang muling makita ang bayang iniwan niya noong pitong taong gulang pa lamang siya.
- Nanatiling buhay ang pagka-Pilipino ng marriage celebrant mula Gold Coast sa pamamagitan ng mga alaala ng kanyang ina at mga paboritong pagkaing Pinoy na nagpapaalala sa kanyang pinagmulan.
- Nais niyang muling matunton ang kanyang mga ugat at maipakilala sa kanyang asawa at mga anak ang Pilipinas at kulturang matagal niyang pinanghawakan.
Kahit matagal na namuhay sa Australia, nanatiling mahalagang bahagi ng ngayo'y marriage celebrant sa Gold Coast ang kanyang pagkakakilanlan ang kulturang Pilipino at mga alaala ng kanyang ina. Ngayon, sabik na siyang muling yakapin ang kanyang pinagmulan at palalimin ang ugnayan ng kanyang pamilya sa kulturang Pilipino.
Share




