Ayon kay Juanito Reinelle Collantes isang altar server, musician at choir conductor, ang kanyang mga magulang na sila Lili-Anne at Reinhold Juan ang nagturo sa kanya na patatagin ang kanyang pananampalataya at gamitin ang kanyang kakayahan upang dakilain ang Panginoon. Credit: Juanito Collantes
Tatlong taong gulang pa lamang si Juanito Reinelle Collantes nang unang ma-inspire maging altar server; ipinagpatuloy niya ito sa Melbourne, at sa edad na 9 ay pormal na siyang naitalaga bilang altar server, hanggang sa ngayon ay pianist at choir conductor sa Filipino church choir na kumakanta sa iba't ibang Roman Catholic churches sa estado ng Victoria.
Tatlong taong gulang pa lamang si Juanito Reinelle Collantes nang unang ma-inspire maging altar server; ipinagpatuloy niya ito sa Melbourne, at sa edad na 9 ay pormal na siyang naitalaga bilang altar server, hanggang sa ngayon ay pianist at choir conductor sa Filipino church choir na kumakanta sa iba't ibang Roman Catholic churches sa estado ng Victoria.
Key Points
Ang 15-anyos na si Juanito Reinelle Collantes ay higit limang taon siyang myembro ng Australian Children's Choir, siya din ang nag-iisang anak ng pharmacist na si Lili-Anne at ng engineer na si Reinhold Juan Collantes mula sa Melbourne.
Sa edad na 9 pormal siyang nagsimulang maging altar server, hanggang sa naging pianist at ngayon siya ay isa ng choir conductor sa simbahan.
Para kay Juanito, ang kanyang mga magulang ang nagturo sa kanya na patatagin ang kanyang pananampalataya at gamitin ang kanyang kakayahan upang dakilain ang Panginoon.
Ang panahon ng Kuwaresma ay isang mahalagang yugto ng pananampalataya kung saan, sa loob ng 40 araw mula Ash Wednesday hanggang Holy Week bago ang Easter Sunday, ang mga deboto ay nagdarasal, nagsasakripisyo, at nagbabalik-loob sa Diyos bilang paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus.
Nagsimulang ma-inspire si Juanito Reinelle Collantes maging altar server sa edad na tatlo; nang lumipat sa Melbourne sa edad na anim, patuloy siyang tumutulong sa simbahan, at sa edad na siyam ay pormal na siyang naitalaga bilang altar server. Ngayon, nagsisilbi na rin siyang mentor upang gabayan ang mga bagong recruits. Credit: Juanito CollantesIn 2024, Juanito Reinelle Collantes began serving as a choir conductor, leading not only Filipino community church choirs but also choirs in local Australian parishes, sharing his gift of music with a wider community in Melbourne. Credit: Juanito CollantesAccording to Juanito Collantes, his main purpose is to serve God through his talents. He also treasures these moments as special bonding times with his mother, who plays the flute while he plays the piano, and sometimes he leads as the choir conductor. Credit: Juanito Collantes