Highlights
- Ipagpapaliban muna ng ilang mga babaeng buntis ang pagpapabakuna kontra COVID-19 dahil sa kakulangan ng ebidensya
- Sang-ayon si Ms Saavedra sa bakuna pero nais niyang protektahan ang kanyang sanggol
- Wala pang anunsyo sa kanilang ospital kung paano ang roll out at management ng bakuna
“Little is known about the potential effects. I still have doubts because of course I want to protect my baby. I might just not have this. I'll wait until I give birth.”
Hindi muna magpapabakuna kontra COVID-19 ang nurse mula sa Sydney na si Lori Saavedra dahil sa kakulangan ng data tungkol sa mga epekto ng bakunang COVID-19 sa mga buntis.
Si Ginang Saavedra ay isa sa maraming mga frontline health care workers na kasama sa phase 1 rollout ng bakuna sa Australia.
Ani Ginang Saavedra, magpapabakuna lamang siya kung mayroon ng sapat na pag-aaral tungkol sa kaligtasan ng bakuna sa mga buntis.