Key Points
- Inilahad ng ilang may-ari ng negosyo ang kanilang mga diskarte para makakuha ng mga aplikante sa trabaho.
- Lumalabas na ang sektor ng hospitality and tourism management ang isa sa mga pinakaapektado sa isyu ng labour shortage.
- Kung may mga negosyo at industriya na hirap maghanap ng mga empleyado, may ilang job seekers din ang nahihirapan pa ring makapaghanap ng trabaho.

How to listen to this podcast Source: SBS
Lumalabas na ang sektor ng hospitality and tourism management ang isa sa mga pinakaapektado sa problemang ito.
Pinatunayan ito ni Gideon Pangilinan, isang Filipino head chef ng isang restaurant sa Gregory Hills, New South Wales.

Chef Gideon Pangilinan
“Ngayon lang namin na-experience yung struggle to look for staff especially kitchen hands kasi majority who worked for us were students and foreign workers who left for good kasitehy cant financially support themselves during lockdown," kwento ni Chef Gideon.
Hanggang ngayon, we are still looking and hiring for more staff especially parating na ang Christmas season which we all know is very in demand and busy.Chef Gideon Pangilinan
Bukod sa pagkakaroon ng maayos at propesyonal na lugar ng trabaho ay umaasa si Chef Gideon at iba pang negosyo sa “word of mouth” bilang pinakaepektibong paraan upang makapanghikayat ng mas maraming aplikante.
Halos ganito rin ang diskarte ng isang negosyanteng Pinoy sa Melbourne na si Daniel Bernardo.
Naka focus ngayon si Daniel sa pangangasiwa ng kaniyang negosyo na cleaning services.

Cleaning Service Owner Daniel Bernardo
“I'm just advertising to as many avenues as possible, sa facebook pages. I'm going to try Seek pero I know medyo mas mahal siya kaysa sa Indeed. Baka pwede rin ako gumastos ng courses for proper accreditation so these are the things that I'm going to try soon.," lahad ni Daniel.
Kung may mga negosyo at industriya na hirap maghanap ng mga empleyado, may ilang job seekers din ang nahihirapan pa ring makapaghanap ng trabaho.
Tulad ni Daryl Joshua Romero na isinasa-alang alang ang maraming bagay bilang bagong migrante.

International Student Daryl Joshua Romero
Ipinapakita rin sa nasabing census na malaking porsyento sa labour workforce ng Australia ay binubuo ng mga migrante o mga manggagawa na mula sa ibang bansa, kabilang na rito ang mga Pinoy.
Kasama sa bagong ulat ng statistics bureau ay ang datos na magpapatunay na may pagtaas din sa bilang ng mga international students ngayong taon.
Inaasahan naman na ibabalik ng pamahalaan ang restriksyon sa oras ng trabaho ng mga international student pagdating ng June 30, 2023.