Ilang may hawak ng Pandemic visa, hiling na ikunsidera ang kanilang kinabukasan sa migration policy

File Photo: Hospitality Industry worker

File Photo: Hospitality Industry worker Credit: kumikomini/Getty Images

Sa episode na ito ng Trabaho, Visa atbp, pakinggan natin ang kwento ng isang dating international student na ngayon ay may hawak ng Pandemic Visa at ano ang susunod na hakbang para makapanatili sa Australia.


Key Points
  • Ang COVID-19 Pandemic event visa (subclass 408) ay tugon ng pamahalaan para sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19.
  • Ito ay pansamantalang visa kung saan maari kang manatili sa Australia ng isang taon at magtrabaho sa partikular na industriya lamang.
  • Isa sa may hawak ng naturang visa na si Mark Anthony Arcega ay nagtatrabaho sa hospitality industry ngunit nagtapos siya larangan ng Community Development.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
"I feel on my end that we've been left behind by the policy but there’s nothing much we can do about it"

Hindi maitago ng dating international student na si Mark Anthony Arcega ang kanyang pagkadismaya sa mga katulad niyang temporary migrant sa polisiya ng Australia.

Nagtapos si Mark ng Master of International Community Development at nais magtrabaho sa linyang kurso pero sa ngayon nakatali siya sa tinaguriang Pandemic Visa.

"I'm on a temporary Visa which is 408 and it was only granted to me because they require people in the particular industry to work there to fill up the gaps. How about these people? for me after this one what is my plan?" saad ni Mark.

Sa website ng Kagawaran ng Home Affairs, inilarawan ang Temporary Activity Visa subclass 408 o COVID 19 Pandemic event visa bilang pansamantalang visa kung saan maari kang manatili sa Australia at may trabaho o alok na trabaho mula sa isang mahalagang sektor sa ekonomiya. 

Ito ang agrikultura, food processing, health care, aged care, disability care, child care at tourism and hospitality kung saan nagtatrabaho si Mark ng full time.
Mark Arcega.jpg
Pandemic Visa holder Mark Anthony Arcega Credit: Mark Anthony Arcega
Nagpapasalamat naman siya sa visa na ito na siya ay nakakapagtrabaho ngunit hindi siya makapagplano ng susunod na hakbang sa buhay.

"How am I supposed to progress from there cause technically If I try to move from hospitality to another industry which is not even remotely related to hospitality, I will be breaching my visa conditions so I need to apply for a new suitable visa but what will be that visa?" dagdag ni Mark.

Nag-aapply pa din si Mark sa nais na propesyon pero kadalasa’y limitado ito sa mga lokal na mamamayan at residente ng Australya.

Sa kanyang konsultasyon sa ilang migration agent, mungkahi sa kanya na muling mag-aral pagtapos ng kanyang Pandemic Visa.

"I chose a Master of International Community Development, I wanted to work as a community development worker, at that time na nagapply ako, it was in the SOL and it was removed at the time I graduated"

Ngayong ika-1 at 2 ng Setyembre ang Jobs and Skills Summit ng gobyerno at ang migration cap, matinding kakulangan ng manggagawa ang ilan sa pag-uusapan.
I make no apologies in saying migration is part of the solution but it's not the only part - training and giving Australians skills - we want to give Australians those opportunities.
Prime Minister Anthony Albanese
Hiling naman ni Mark na muling bisitahin ng gobyerno ang mga polisiya kaugnay sa mga katulad niyang temporary migrant na anya'y tumutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Australia.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand