Highlights
- PNRL gustong ibahagi ang larong Rugby sa mga batang Pinoy sa Pilipinas at dito sa Australia.
- PNRL Junior Rugby Clinic bubuksan dito sa Sydney ngayong Oktubre 2021.
- PNRL patuloy ang pangongolekta ng gamit sa larong Rugby, para ibigay sa mga bata sa Pilipinas.
Tinalo ng Philippine Tamaraws ang kupunan ng Brazil sa ginawang midyear International Ruby League match sa puntos na 40-8 noong 13 ng Hunyo dito sa Kensington Rugby League field sa Sydney Australia. Pinabunyi ito ng maraming Pilipino sa Australia , dahil isa ito sa dahilan kung bakit patuloy na nasa world ranking number 21 ang bansa sa larong rugby simula nuong naging myembro ang Pilipinas sa International Rugby league Federation. Makahulugan ang panalong ito dahil, maraming mga Filipino-Australian players ang magreretiro dahil sa ilang taon na din silang iwinagayway ang bandila ng bansa sa larong Rugby sa buong mundo. At sa pagkakataong ito, pinakita din ng mga bagong Filipino-Australian recruits ang kanilang galing.

Philippine Tamaraw tinalo ang team Brazil sa midyear International Rugby League match noong 13 June, 2021 Source: Reynaldo Nery

Philippine Tamaraw tinalo ang team Brazil sa midyear International Rugby League match noong 13 June, 2021 Source: Reynaldo Nery

Reynaldo Nery patuloy na nangongolekta ng Rugby boots para sa mga bata sa Pilipinas. Source: Reynaldo Nery
"Dahil sa naging buhay ko dito, gusto kung ibalik kung saan ako nagmula, hindi lang yong andun ako sa Pilipinas dahil sa bakasyon , kung hindi gusto kong meron silang matutunan, " dagdag pa ni Rey.
Maliban sa pangongolekta ng Rugby boots para ipadala sa Pilipinas, nagpadala na din sya ng mga gears o gamit ng mga bata para gagamitin sa training.
Home base ng sa pagtuturo ng mga sa Pilipinas ang Baler sa Aurora, nandito din kasi ang ibang mga Filipino-Australian na katulad nya may puso sa sports at hangad lang na makatulong sa mga bata. Kabilang sa gusto nilang matuto ang mga guro sa eskwalahan at iba pang propisyonal duon para sila na mismo ang tugturo sa mga bata. Dahil hindi lang daw puro physical ang Rugby, meron din itong puso na swak sa mga manlalarong Pinoy.
At dahil sa pandemya, naantala ang kanilang mga plano para sa Pilipinas sa ngayon, pero kapag ligtas na ang makabyahe duon, kasama sa malaking plano na palalawigin ang torneyo mula Luzon, Visayas hanggang sa pulo Mindanao. Pero dito sa Sydney ngayong darating na Oktubre 2021 bubuksan nila ang programa para sa mga batang may hilig sa larong Rugby na may edad 6-5 taong gulang. Bisitahin lang ang kanilang social media account.
" Talagang naghahanap kami ng talagang tunay na may dugong Pinoy dito sa Australia na gustong matuto sa sports, balang araw sila na yong magbabandera ng ating bansa," dagdag pa ni Rey.
Sa kasalukuyan, nagre-recruit ang PNRL ng skilled coaches dito sa Australia, para matutukan ang mga batang nagsisimula pa lang magka-interes sa laro.
"Gusto namin maging tama ang paglalaro ng mga bata habang nagsisimula sila, para maiwasan ang sakuna," ani Rey.
Layunin ng Philippine National Rugby League at Pambansang Ragbi Liga ng Pilipinas maliban sa kakaibang karanasan sa paglalaro, mapabilang ang Pinoy sa mga bansang magagaling sa larangan ng sports di lang sa Basketball pati na din sa Rugby. At higit sa lahat balang araw, pangarap ng mga Filipino Australian na bumubuo ng PNRL at PRLP na mula sa mga batang kanilang tinutulungan may kakatawan sa bansang Pilipinas sa World Cup.