Hindi man pinalad na manalo ang Filipina tennis player na si Alex Eala sa unang laro sa Australian Open 2023, proud at todo pa din suporta ng mga Pinoy na nanood ng laban.
Key Points
- Bigong manalo si Alex Eala sa nakalabang si Misaki Doi mula Japan sa Australian Open.
- Bago sumabak sa ngayong taon, naging junior doubles Grand Slam Champion ng Australian Open si Alex noong 2020.
- Sa panayam ng SBS Filipino bago ang laban, sinabi ni Alex na malaking bagay ang mga oportunidad na kanyang nakukuha sa murang edad.
Ilang Filipino ang todo suporta at nanood ng laban ng Pinay tennis player na si Alex Eala, kabilang dito ang magkapatid na sina Edward at Karen Diaz mula sa Melbourne.



Share





