Isang independyenteng pagsusuri sa mga sentro ng detensyon ng mga kabataan sa Queensland ang iniutos ng pang-estadong Abogado Heneral at Ministro ng Katarungan Yvette D'Ath. Larawan: Mga kuhang imahe mula sa CCTV nagpapakita nf pagposas sa isang tinedyer (Amnesty International)
Kasunod ito ng paglitaw ng mga imahe na nagpapakita ng diumano'y pag-abuso sa mga karapatang pantao sa Cleveland Youth Detention Centre sa Townsville noong taong 2013.
Isa lamang ito sa mga insidente na inilarawan sa mga ulat na nakuha ng Amnesty International, na nananawagan kay Malcolm Turnbull na bumuo ng isang hiwalay na tagapag-masid bilang tugon.
Share



