Pagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga nars

International Nursing Symposium

Dr Jordan Salvador giving some key notes to symposium attendees Source: J. Salvador Facebook

Sa halos lahat ng ospital sa Australia, mayroong isang Pilipino nars na nagta-trabaho. Ngunit paano nga ba higit na mapapabuti ng mga nars ang kanilang serbisyo sa mga pasyente at makapagbigay inspirasyon sa iba na nais pasukin ang landas na ito?


Sa Sydney, ang mga taong masigasig tungkol sa pagiging nars ay nagsagawa ng isang symposium upang palawakin ang propesyonal na kaalaman at pagpapa-unlad ng mga Pilipinong nars at mga nagnanais na pumasok sa propesyon na ito.

Sa ikalawang taon, inanyayahan ng Nursing for Humanity ang ilang pangunahing tagapagsalita upang magbahagi ng kanilang kasanayan at karanasan sa mga bata at mga nagbabalak na maging nars sa ginanap na ikalawang International Nursing Symposium na layuning magbigay inspirasyon at hangarin sa susunod na henerasyon ng mga Pilipinong nars.

Ibinahagi ng Assistant Professor of Nursing Education mula Imam Abdulrahman Alfaisal University Dr Jordan Salvador ang ilang pangunahing puntos para sa pagpapaunlad ng karera ng mga nars. Sinamahan siya ng Filipino Student Council of NSW Vice Chairman External Affairs Gladwin Maranon.
International Nursing Symposium
Dr Jordan Salvador and Gladwin Maranon Source: SBS Filipino
International Nurses Symposium
Guests and attendees of the 2nd International Nursing Symposium in Sydney (J. Salvador Facebook) Source: J. Salvador Facebook

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga nars | SBS Filipino