Key Points
- Nagdesisyon ang central bank ng Australia na panatilihin ang interest rate sa 4.35 per cent.
- Itinanggi ng Woolworths at Coles and akusasyon ng price gouging.
- Bahagyang bumaba ang inflation sa 4.9 per cent noong Oktubre pero mataas pa rin ito sa inaasahang antas na target ng Reserve Bank.
Matapos ang limang magkakasunod na pagtaas ng interest rate ngayong taon, nagdesisyon ang central bank ng Australia na panatilihin ito sa 4.35 per cent.
Isang maagang pamasko para sa mga homeowners at para kay Treasurer Jim Chalmers.
"The last thing that people needed at Christmas time was another rate rise so I think this decision today from the Reserve Bank will be met with sighs of relief right around Australia."
Nakitaan ng pagbaba ang Inflation sa 4.9 per cent nitong Oktubre pero doble pa rin ito sa antas na target maabot ng Reserve Bank.
At habang pansamantalang nakahinga ang ilang homeowners na nagbabayad ng mortgage, marami ang umaaray naman dahil sa kaliwa't kanang pagtaas ng preyo ng mga bilihin o grocery bills.
Kaya nakasentro ngayon ang atensyon ng Senado sa pagsusuri ng presyo ng mga paninda.
Nakakuha ang Greens suporta sa cross-party para sa isang parliamentary committee inquiry, na sisilip sa price-setting at market power sa sektor ng supermarket o pamilihan.
Parehong kumita ang Woolworths at Coles ng higit $1 billion sa nagdaang financial year.
Sa data mula IBISWorld, makikita na kontrolado ng dalawang malalaking supermarket ang 65 per cent ng sektor.
Pero parehong itinanggi ng mga kumpanya ang akusasyon ng price gouging o di makatarungang pagprepresyo ng mga bilihin.
Anila, tumataas ang presyo ng paninda dahil sa dagdag na presyo ng gastos sa negosyo at ekonomiya at nararanasang pressure ng mga supplier dulot ng inflation.
Sinabi ni National Farmers Federation CEO Tony Maher na ang mataas na presyo ng paninda sa mga supermarket ay hindi nangangahulugan na tumataas din ang kita ng mga producer o magsasaka.
"All their costs have gone up, so labour, energy, fuel, fertiliser, energy, chemicals, all of these products have gone up and that's a real challenge for farmers, they have real problems passing those increases up the supply chain because of the consolidated market."
Sinabi ni Allan Fels, dating pinuno ng Australian Competition and Consumer Commission, na magandang balita ang pagkakaroon ng inquiry, dahil ang mga kasalukuyang batas ay halos walang nagagawa para tapatan ang dalawang supermarket sa bansa.
Aniya isang paraan para magawa ito ay ang pagkakaroon ng batas sa divestiture, na magbibigay kapangyarihan sa korte para buwagin ang naglalakihang negosyo na sumasakop ng mga sektor at mapapatunayang nagmomonopolyo.
"If there were a divestiture power in the competition law, it would result in far better behaviour, far better compliance with the law than by businesses now, which regard the laws as fines which are just the cost of doing business. "
Ayon kay Tony Maher, umaasa syang magreresulta ang inquiry ng malinaw at tapat na pagpepresyo at mga batas na poprotekta sa mga suppliers.
Umaasa rin ang Greens na maipapatawag ang pamunuan ng Coles and Woolworths na humarap bago ang Senate inquiry na magaganap sa susunod na taon.